Julia, dapat na nga bang kabahan kay Ivana? Ivana, sinabi ang kanyang 'ideal man'

Julia, dapat na nga bang kabahan kay Ivana? Ivana, sinabi ang kanyang 'ideal man'

Julia, dapat na nga bang kabahan kay Ivana? Ivana, sinabi ang kanyang 'ideal man'
- Napag-usapan nina Ivana at Dra. Vicki Belo ang love-life ng aktres sa vlog na ibinahagi ng doktora sa kanyang YouTube channel 

- Dito ay naikwento ni Ivana na noon ay niloko siya ng dati niyang karelasyon dahil tinuring lang siya bilang 'sugar mama' ng kanyang hindi gwapong ex

- Pabiro namang tinanong ni Dra. Vicki si Ivana kung kailangan na nga raw bang kabahan ng girlfriend ni Gerald, na si Julia Barretto

Mayroong YouTube vlog ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo kung saan guest niya sa vlog ang 'A Family Affair' star na si Ivana Alawi.

Ilan sa kanilang napag-usapan ay ang love-life ng aktres at mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki o sa kanyang 'ideal man'.

Diretsahan naman niyang sinabi na ayaw na ayaw niya sa mga babaero't manloloko dahil naranasan na niya ito sa dati niyang boyfriend na ginamit lang umano siya bilang 'sugar mama'.

“Hindi ko alam, parang hindi sila nakukuntento. Tapos ‘yung minsan naman ginawa akong sugar mama,” napapahalakhak na chika ni Ivana.

Na-curious naman dito si Dra. Belo at naitanong pa kung gwapo ang lalaking trumato ng ganito sa kanya. Agad namang pinabulaanan ni Ivana ang tanong na ito ng doktora.

“Ako taga-gas, taga-(gastos) ng date, lahat… Akala ko kasi ganoon kapag mahal mo,” aniya pa.

Matapos umano siyang iwanan nito pagkatapos grumaduate, dito niya na-realize na ginamit lang pala siya. “Sabi ko, ang galing a," pagbabalik-tanaw ng aktres.

"Pinag-gas lang niya ako nang pinag-gas tapos lahat ng ulam ako,” saad pa nito.

Sunod na nga nilang napag-usapan si Gerald Anderson dahil siya ang leading man ni Ivana sa Kapamilya teleserye na 'A Family Affair'.

Ang sunod na tanong kay Ivana ay kung dapat na nga bang mangamba si Julia Barretto sa kanya. Nilinaw naman nitong hindi siya mang-aagaw ng karelasyon dahil naniniwala ito kung anong ginawa mo sa iba ay babalik sa iyo.

“Naku, yun nga Dok. Ang daming nagme-message na ganon. I think it’s very important that they know na nirerespeto ko yung tao, nirerespeto ko yung relationship niya and I wouldn’t want something to happen to me na kunyari, kung anong ginawa mo sa iba, mangyayari rin sa ‘yo,” paglilinaw niya.

“I don’t think… Ivana is really not the type. I think she looks lang very sexy and hot," tugon naman sa kanya ni Doc Vicki.

“You’ll never see me steal anyone from anyone," dagdag na sagot pa niya sa tanong.