Madam Inutz ipinasilip ang bagong gawang ilong: "Salamat doc..."

Madam Inutz ipinasilip ang bagong gawang ilong: "Salamat doc..."

Madam Inutz ipinasilip ang bagong gawang ilong: "Salamat doc..."


 - Ibinandera ni Madam Inutz ang kanyang bagong retokeng ilong sa kanyang Instagram post nitong Wednesday

- Nagbiro rin itong kaya siya nagpa-rhinoplasty ay upang maranasan niyang matawag na "hot mamaswang"

- May comment din ito sa kanyang 'nose journey' sa ibinahagi niyang vlog sa YouTube nitong July 26

Masaya ang Kapamilya comedienne na si Madam Inutz sa kanyang pagbabago sa itsura na ibinahagi niya sa kanyang mga followers kahapon, July 26.

Ito ay matapos niyang magpa-rhinoplasty o ang magpa-retoke ng ilong na siyang ibinandera niya sa kanyang Instagram post at YouTube vlog.

“OWWWW….JIIIIIEVA? KUNG KELAN TUMATANDA SI MADAM INUTZ N’YO AT NAIINLOVE!! NGAYON LANG DIN NATUTO MAGMAHAL NG SARILI AT NATUTO MAGPAGANDA!!” masayang caption ni Inutz sa kanyang IG post.

“PARA NAMAN MARANASAN KO YUNG MATAWAG AKONG HOT MAMASWANG," pabirong dagdag niya pa.

Umani naman siya ng mga positibong komento mula sa mga netizens na sinusuportahan siya sa ginawang desisyon nito sa kanyang ilong.

Sa YouTube vlog din niya ay may komento siya sa mga taong nagpaparetoke ng ilong upang ma-enhance ang kanilang mga itsura.

“Huwag niyong mamasamain yung mga taong gusto nilang magpa-ayos ng kanilang mga hitsura. Siyempre dagdag (confidence) rin.

“Hindi naman porket nagpagawa ka is hindi ka na kuntento sa kung ano man ang meron ka. Kumbaga gusto mo lang rin na mag-level up ka na," paglilinaw ni Madam Inutz.

Dagdag pa nito, “Pinaganda ko ang sarili ko pero ang ugali ko at pagiging komedyante ay hindi magbabago,”