AJ Raval matagal nang may anak sa probinsya? Cristy Fermin, may chika

AJ Raval matagal nang may anak sa probinsya? Cristy Fermin, may chika

AJ Raval matagal nang may anak sa probinsya? Cristy Fermin, may chika


- Muli na namang napag-usapan nina Cristy Fermin ang aktres na si AJ Raval na hinihinalang buntis ng mga netizens

- Binalikan ni Cristy ang noo'y haka-haka na may anak na 'di umano si AJ Raval na dinadalaw niya sa probinsya

- Ito'y matapos nilang mapag-usapan ang 'flex na flex' na tiyan ni AJ na tila ipinapakita niyang hindi totoo ang tsismis na siya'y buntis

Tila hindi mamatay-matay ang mga chikang buntis ang sexy star na si AJ Raval base sa July 29 episode ng programa ni Cristy Fermin, ang 'Cristy Ferminute'.

Muli na naman kasing napag-usapan ng mga hosts si AJ, partikular na ang tiyan nitong ibinabandera ng aktres sa social media.

Ito ay para na rin ipakita sa publiko na hindi totoo ang mga kalat na balitang nabuntis siya ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

“Panay-panay po ang pagpapakita ngayon ni AJ Raval ng kanyang tiyan na flat na flat. Panay-panay po 'yan, nag-eenjoy po talaga siya sa kontrobersiyang ito. Talagang pinakikita niya na walang umbok ang tiyan niya. Diba? Nagpapakuha pa siya sa mga camera, ipino-post pa niya,” hirit ni Cristy.

Ibinalik naman ng kolumnista ang dating isyu ni AJ na may anak na raw ito noon pa at dinadalaw-dalaw niya ito sa probinsya.

“E hindi na po do'n ang isyu ngayon. Bakit ba Romel ganito? Ang unang tanong ng mga marites, ‘E diba dati pa, may anak ka na, itinatago mo lang?' 'Yun po 'yung ayaw mamatay-matay, sa totoo lang," payahag naman nito.

Tugon naman ni Romel,"Ay opo, Nay, diba nagulat nga tayo nu'ng sinabing, 'May anak yan sa probinsya nila.' 'Yun 'yung dinadalaw-dalaw niya daw do'n?" 

“At saka maraming nagsasabi, 'Ngayon lang ba siya naging preggy? Dati na siyang may anak. Itinatago lang niya. So ano na naman 'to, itatago mo na naman.' Parang ganu'n,” ani pa ni Cristy.