Lolit Solis, may ibinuking kay Jane de Leon; Pinuri bilang Darna

Lolit Solis, may ibinuking kay Jane de Leon; Pinuri bilang Darna

Lolit Solis, may ibinuking kay Jane de Leon; Pinuri bilang Darna


 - Natuwa ang manunulat na si Lolit Solis sa kabutihang ginawa sa kanya ni Jane de Leon habang siya'y naka-confine

- Pinuri rin niya ang aktres dahil malakas umano ang kanyang screen presence at tamang-tama ito sa role niya bilang Darna

- Well appreciated naman ng showbiz columnist ang ipinadalang 'something' sa kanya ni Darna at isa umanong 'plus factor' ito sa isang artistang tulad niya

May karamdaman ngayon ang isa sa mga tumatak na showbiz columnist sa madla, si Lolit Solis, dahil sa kanyang kidney problem.

Tila nakarating naman kay Kapamilya star Jane de Leon ang balitang ito kaya naman nagpadala siya ng 'something' sa manunulat na siya namang ikinatuwa ni Lolit.

Sa recent post ni Lolit sa Instagram, pinasalamatan niya ang aktres sa ibinigay ni Jane kahit na hindi pa sila magkakilala nang personal.

Kasama rin niyang ipinost sa Instagram ang litrato ni Jane habang naka-pose sa harap ng Darna mural sa ABS-CBN Compound, Eugenio Lopez Drive sa Quezon City.

Panimula niya, "Gusto ko mag thank you kay DARNA, Jane de Leon, Salve. Pinadalhan niya ako ng something sa hospital, kahit hindi pa kami personal na magka kilala.

"So touching para sa akin dahil nag effort siya, at talagang nasa utak ko iyon gesture niya na ginawa," pahayag nito.

Sunod naman niyang pinuri at ibinandera kung gaano kalakas ang screen presence ni Jane, at ang kagandahan ng Kapamilya star.

"Nagagandahan ako kay Jane de Leon ng mapanuod ko sa TV, malakas ang screen presence niya, maganda ang boses niya, at palagay ko magiging malaki siyang star. 

"Big project ang Darna na pag binigay mo sa isang baguhan will really stir interest. Tiyak na magiging important star si Jane de Leon. At itong ugali niya na nagri reach out isang malaking plus factor sa isang artista na tulad niya. Thank you Jane, well appreciated , salamat," dagdag na pasasalamat pa nito kay Jane.

Samantala, malapit nang lumipad si Jane de Leon bilang Darna ngayong August 15, 2022, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Mapapanood din ito sa iWantTFC at TFC.