Rufa Mae, nakakatawang ibinida na pinagsisihan ang paglalagay ng botox: "Nu'ng nagpalagay ako, Diyos ko, ayoko nang lumabas..."

Rufa Mae, nakakatawang ibinida na pinagsisihan ang paglalagay ng botox: "Nu'ng nagpalagay ako, Diyos ko, ayoko nang lumabas..."

Rufa Mae, nakakatawang ibinida na pinagsisihan ang paglalagay ng botox: "Nu'ng nagpalagay ako, Diyos ko, ayoko nang lumabas..."

-Nakakatawa ang pagku-kwento ni Rufa Mae hinggil sa kanyang isang bagay na pinagsisisihan sa kanyang buhay

- Hindi nag-alinlangan ang aktres na ibida na ang kanyang pinagsisisihan ay ang paglalagay niya ng botox sa kanyang mukha

- Aniya, may sakit sa kanyang damdamin dahil sa tuwing titingin siya ng salamin ay hindi na mukha niya ang kanyang nakikita, kundi iba na

Kwelang-kwela ang guesting ng aktres at komedyana na si Rufa Mae Quinto sa bagong vlog ni Toni Gonzaga sa kanyang bagong episode ng ToniTalks.

Sa loob ng 18 minute video ay nakakatuwang nakipag-chikahan si Rufa kay Toni hanggang sa tanungin siya nito kung ano ang ang isang bagay sa buhay niya na pinagsisihan niya nang sobra.

“Kung may isang bagay ka naman na pinagsisisihan sa buhay mo, ano 'yon?" seryosong tanong ni Toni.

Hindi naman na nakaramdam si Rufa ng alinlangan na ang pinagsisihan niya ang ang paglalagay niya ng botox sa kanyang mukha. Natawa naman ang dalawa sa sagot na ito ni Rufa.

“Siguro pinagsisisihan ko, 'yung nagpaano 'ko... Alam mo 'yun, 'yung nagpalagay ka ng Botox," tugon ng komedyana.

“Hindi ko masabi kasi uso e, 'no? Nu'ng nagpalagay ako, Diyos ko, ayoko nang lumabas. Sabi ko, 'Ba't ganito?'” pagbabahagi pa niya.


Reaksyon ni Toni, "Ang lalim ng pinagsisihan mo, grabe. Botox!"

Paglilinaw naman niya,“Masakit sa'kin kasi parang iba na 'yung mukha ko. Kahit hindi ako nagagandahan sa sarili ko, basta gusto ko 'yung ayoko 'yung titingin tapos hindi na ako. Tingin ka sa salamin, 'yung isa bumababa na. Kasi 'pag halimbawa ah, bumababa na, tapos itong isa nakaangat pa. Ay, follow-up na naman, gaganu'n."

“Hay, sabi ko, 'Ayoko nang lumabas!'” dagdag pa niya.

"Wala tayong pinagsisisihan sa pag-ibig, sa desisyon sa buhay, sa pag-aartista, Botox ang pinagsisihan namin,” tila pagbibiro naman ni Toni.