Lolit, sinabing may gusto siyang ma-'confirm' isyu sa relasyon ni Coco at Julia: "iyon lihim sa set nila..."

Lolit, sinabing may gusto siyang ma-'confirm' isyu sa relasyon ni Coco at Julia: "iyon lihim sa set nila..."

Lolit, sinabing may gusto siyang ma-'confirm' isyu sa relasyon ni Coco at Julia: "iyon lihim sa set nila..."


- Napatawa ni Ang Probinsyano star Lorna Tolentino ang manunulat na si Lolit Solis sa kanyang pagbabahagi sa Instagram

- Kahit anong pilit nga rin daw niya na magtapat hinggil sa relasyon ng CocoJul, wala daw siyang mapiga dahil sa 'closeness' ng 'Probinsyano' casts

- Sigurado rin ito na magkakaroon ng 'separation anxiety' ang casts ng Probinsyano dahil sa tagal ng pinagsamahan ng mga bumubuo rito

Ang Kapamilya star na si Lorna Tolentino at ang CocoJul naman ang paksa sa panibagong Instagram post ng manunulat na si Lolit Solis.

Sa kanyang nasabing post, ibinahagi niyang siya 'yata' ang main kontrabida ng Ang Probinsyano dahil kilala ito bilang kalaban ni Coco Martin. 

"Natatawa ako kay Lorna Tolentino, Salve. Main kontrabida yata siya sa Ang Probinsiyano kaya kilalang kilala siya bilang kalaban ni Coco Martin," sabi nito.

Nabanggit rin nito na may gusto niyang makumpirma hinggil sa isyu sa pagitan sa relasyon nina Coco at Julia ngunit hindi niya ito mapiga dahil sa closeness ng Ang Probinsyano family.

"At talagang kahit ano ang gawin ko para ma confirm iyon issue sa relationship ni Coco at Julia Montes hindi ko siya mapiga. Hindi ko mapilit magtapat sa akin. Ganuon yata ang closeness ng Probinsiyano casts dahil iyon lihim sa set nila, sila lang may alam," aniya pa.


Basahin ang buong post: