Karylle, umiyak sa It's Showtime dahil magagalit ang kanyang asawa sa maling nagawa niya

Karylle, umiyak sa It's Showtime dahil magagalit ang kanyang asawa sa maling nagawa niya

Karylle, umiyak sa It's Showtime dahil magagalit ang kanyang asawa sa maling nagawa niya
- Umiyak ang 'It's Showtime' host na si Karylle habang naglalaro ng isang segment para 'Vest in Spelling' ng Showtime nitong Huwebes

- Namali kasi ang kanilang team dahil sa maling nagawa niya nang pindutin niya ang buzzer na taliwas sa 'rules' ng game

- Nabanggit rin niya na nagalit ang kanyang asawa sa maling nagawa niya kaya naman nakadagdag ito sa 'pressure' ng kanyang paglalaro

Masaya ang naging laro ng mga It's Showtime host para sa kanilang segment na 'Palarong Pang-Madla: Vest In Spelling' nitong June 13, Huwebes.

Ngunit habang naglalaro sila ay napindot ni Karylle ang buzzer dahilan upang 'di nila makuha ang puntos na makakapag-dagdag ng kanilang naipong pera para sa 'Random Act of Kindness'.

Bago ito, nakahilera muna sa isang tabi ang mga 'It's Showtime' host na maglalaro sa Vest in Spelling habang may nakasuot na vest na may mga letra sa kanilang likod at harap. 

Ang mga letrang ito ang tutulong sa kanilang makuha ang sagot kung saan kailangan nilang humilera sa gitna at i-ispell ang tamang sagot gamit ang kanilang vest. May oras itong sampung segundo na pangungunahan ng tanong ni Tyang Amy.

Habang naglalaro sila ay nagtanong si Tyang Amy na may sagot na 'Salonga' kaya naman dali-dali silang gumitna bago matapos ang oras. Taliwas sa rules ng laro, pinindot ni Karylle ang buzzer bago pa man mabuo ang salita kaya naman hindi sila nakakuha ng panibagong puntos.

Ang puntos kasi na ito ay ang magpapa-dagdag ng kanilang naipong pera upang tulungan ang mga madlang people sa kanilang 'Random Act of Kindness' na ginaganap tuwing Sabado.

May rason naman si Karylle kung bakit niya napindot ang buzzer kahit hindi naman siya talaga ang gagawa nito. Aniya, na-pressure siya sa background music ng studio at nagalit ang kanyang asawa nang minsang mamali rin siya sa paglalaro.