Chie Filomeno, tinira pabalik ang basher na sinabing mukha siyang bakla: "Nakakasuka ka..."

Chie Filomeno, tinira pabalik ang basher na sinabing mukha siyang bakla: "Nakakasuka ka..."

Chie Filomeno, tinira pabalik ang basher na sinabing mukha siyang bakla: "Nakakasuka ka..."
- Hindi nagpa-awat ang aktres na si Chie Filomeno sa isang basher na kinumentuhan ang kanyang itsura

- Nag-reply kasi ang basher sa kanyang Instagram story at sinabing 'pangit' at 'mukhang bakla' ang aktres

- Nagpasalamat naman ito at pinaalalahanan ang netizens na huwag gagamitin ang salitang 'bakla' upang mang-insulto ng kapwa

Umalma ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa isang bitter netizen na tinawag siyang pangit at mukhang bakla.

Sa kanyang Instagram story ay nag-react ang aktres sa nasabing basher at pinangaralan pa ang netizen na huwag nitong gagamitin ang salitang bakla bilang insulto sa iba.

Nauna rito, makikita sa story ang kanyang ibinahaging screenshot na nag-reply ang basher sa isa pa niyang Instagram story na may kuha siyang litrato para sa isang photoshoot.

Ang mensahe sa kanya ng basher, "Ang pangit muna girl Muka ka ng bakla:(" na nireplyan rin ni Chie ng isang pasasalamat gamit ang maikling "Thank you."

Naglagay rin si Chie ng isang caption na paalala para sa lahat. "Don't ever use 'bakla' as an insult. Wag kayong tumulad dito. Nakakasuka ka____"