Alan Cayetano, hiningan ng P10k ng isang lalaki habang naglalakad sa mall, viral

Alan Cayetano, hiningan ng P10k ng isang lalaki habang naglalakad sa mall, viral

Alan Cayetano, hiningan ng P10k ng isang lalaki habang naglalakad sa mall, viral
- Isang 'di kilalang lalaki ang bigla-bigla nalang nanghingi ng P10k ayuda kay Alan Peter Cayetano habang nagiikot-ikot ito sa mall

- Tinawag nito ang kanyang pangalan upang humingi ng pera ngunit hindi ito pinansin ni Cayetano at ng mga kasamahan nito

- Matatandaang nag-propose si Cayetano ng isang '10k Ayuda Bill' para sa mga Pinoy ngunit hindi naman ito pumasa

Viral ang isang video ng lalaking pilit na kinukuha ang atensiyon ni Alan Peter Cayetano upang tila ipaalala rito ang sampung libong piso para sa bawat pamilya na 'di umano'y ipinangako ng nasabing politiko.

Makikita sa video si Cayetano na naglalakad-lakad sa mall habang kasama ang kanyang asawa na si Taguig mayor Lani Cayetano kasama pa ang ilang tila katulong na nakapaligid dito.

Ang lalaki naman na kumukuha ng video ay bigla nalang tinawag si Cayetano upang ipaalala rito ang 'di umano'y 10k ayuda.

“Sir, P10-K ko sir… sir P10-K,” sigaw sa kanya ng 'di kilalang lalaki.

Samantala, matatandaan namang nag-file sina Cayetano ng '10k Ayuda Bill' sa House of Representatives nitong February 1, 2021 ngunit kalaunan ay hindi naman ito pumasa. Ito raw sana ay makakatulong sa mga matatanda, PWDs, mahihirap, at iba pa.