Tiktoker na binastos at pinagmumura si Yorme Isko Moreno, umiiyak na himingi ng dispensa

Tiktoker na binastos at pinagmumura si Yorme Isko Moreno, umiiyak na himingi ng dispensa

Tiktoker na binastos at pinagmumura si Yorme Isko Moreno, umiiyak na himingi ng dispensa
- Trending at naging usap usapan kamakailan ang isang Tiktokerist na pinag-mumura si Manila Mayor Isko Moreno

- Napanood pa sa ngayong deleted tiktok video kung saan marami siyang kasama at mga lasing pa

- Matapos nito ay kusang loob umano siyang nagpunta sa opisina ng Special Mayor's Reaction team upang humingi ng dispensa

Naging trending at talaga namang usap-usapan ang isang video live, na ngayon ay deleted na ng isang tiktokerist.

screenshot from a FB live (original deleted)

Sa kaniyang live ay napanood ang tila pagsasaya nito kasama ang ilang mga kaibigan at mga lasing na, dala marahil ng alak ay naging mapusok ito sa kaniyang mga pananalita.

At dito ay pinagmumura at binastos niya si Manila Yorme Isko Moreno, sunod sunod na mura para kay Yorme ang kaniyang pinakawalan kaakibat ang pagsasabing wala naman umano itong nagagawa para sa bansa.

Matapos na mag viral ang naturang video niya ay sumunod na kumalat agad ang video kung saan humihingi siya ng tawad sa mga nagawa o nasabi niya sa kaniyang video.

screenshot from his public apology video

Kusa pa lang pumunta ang lalaki sa Special Mayor's Reaction team upang pormal na humingi ng tawad kay Yorme sa mga nagawa niya.

Dipensa ng lalaki na nadala lamang umano siya ng kalasingan kaya nagawa o nasabi niya ang mga bagay na iyon, diin din nito na isa si Yorme sa mga magagaling na Mayor na marami ng nagawa para sa ating bansa.