Xian Gaza ibinulgar ang modus ni Rudy Baldwin, "manloloko at scammer ito na kumikita ng milyon"

Xian Gaza ibinulgar ang modus ni Rudy Baldwin, "manloloko at scammer ito na kumikita ng milyon"

Xian Gaza ibinulgar ang modus ni Rudy Baldwin, "manloloko at scammer ito na kumikita ng milyon"
- Ibinulgar ng social media personality na si Xian Gaza ang di-umano'y panloloko ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin

- Ani ni Xian Gaza na bilang dating scammer ay alam umano niya ang galawan ng ibang scammer din

- Kumikita umano ng isa hanggang dalawang milyon buwan buwan si Rudy Baldwin dahil sa panloloko nito.

Sa kaniyang facebook page na NYEAM ay ibinahagi at binulgar ng social media personality na si Christian Albert Gaza ang di-umano'y panloloko ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin sa lahat.


Sa pagsisimula ng exposé ni Xian Gaza ay ibinulgar nito na scammer si Baldwin at hindu totoong may vision itong nakikita.

Ayon kay Gaza na ang bawat inilalabas na mga vision ni Baldwin ay mga possibility lamang na mangyayari sa mga current events.

Unang bahagi umano ito ng step ng panloloko ni Baldwin, dahil sa paglago umano ng followers nito ay lumago rin ang naniniwala at nananalig sa di-umano'y pekeng vision nito.


Dagdag pa ni Gaza na may dalawang babae na ang lumapit sa kaniya at ibinulgar na nabudol umano sila ni Baldwin sa pekeng panghuhula nito.

Dahil sa tila magandang reputasyon ni Baldwin sa kaniyang vision ay lalapitan siya ng followers at magpapahula, huhulaan umano ni Baldwin ang mga ito at sasabihing may masamang mangyayari sa pamilya ng mga ito.

Dito na umano papasok ang pagbibenta ni Baldwin ng kaniyang amulet na nagkakahalaga umano ng 20k hanggang 50k.

Dahil sa modus na ito ay kumikita umano ng mahigit sa isa hanggang dalawang milyong piso si Baldwin, dahil umano sa panloloko nito sa mga followers nito na naniwala sa taglay niyang vision.

Sa huli ay hinimok ni Xian Gaza ang ilan pa na lumitaw at sabihin ang panglolokong ginawa umano sa kanila ni Rudy Baldwin upang matigil na ang di-umano'y panloloko nito sa iba pa.