Talpak is Life! Mag kaibigang Gretchen Barretto at Atong Ang spotted sa sabungan

Talpak is Life! Mag kaibigang Gretchen Barretto at Atong Ang spotted sa sabungan

Talpak is Life! Mag kaibigang Gretchen Barretto at Atong Ang spotted sa sabungan
- Viral ang mga litrato ng mag kaibigang sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang sabungan

- Sa mga litratong kumalat ay makikitang si Gretchen pa mismo ang nagpakawala ng kanilang manok

- Base sa impormasyon ay miyembro si Gretchen ng Team Alpha ng Pitmaster group kung saan kabilang din si Atong Ang

Viral, Trending at usap-usapan ang mga litrato ng mag-kaibigang sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang sabungan.

Ini-upload ng facebook page na Kawa Gamefowl ang naturang mga litrato kung saan makikitang magkasama sa isang sabungan ang mag kaibigan.

via Kawa Gamefowl Facebook
Nangyari ito sa ginanap na Matira Matibay 12-Stag Derby (4 Stag Prelims) ng GAPP-Cavite noong July 30, 2021.

Makikita pa nga sa mga naturang litrato na si Gretchen pa mismo ang siyang nagpakawala ng kanilang manok na kinilala bilang si 'Lady Tiger'.

via Kawa Gamefowl Facebook
Ayon sa impormasyong aming nakalap ay miyembro si Gretchen Barretto ng Team Alpha ng Pitmaster group kung saan kabilang din ang kaibigan niyang si Atong Ang.

Matatandaan pa ngang noong Nobyembre ng nakaraang taon ng ma-ispotan ng netizens ang dalawa sa Janiuay, Iloilo kung saan nakipag pulong umano ang dalawa sa ilang mga negosyanteng mananabong.