Sa gitna ng pag-amin nina Heaven at Kiko ng relasyon, kapatid ni Devon may pasaring sa dalawa?

Sa gitna ng pag-amin nina Heaven at Kiko ng relasyon, kapatid ni Devon may pasaring sa dalawa?

Sa gitna ng pag-amin nina Heaven at Kiko ng relasyon, kapatid ni Devon may pasaring sa dalawa?
- Ginulat nina Heaven at Kiko ang netizens ng kanilang pag-amin sa kanilang relasyon

- Punong-puno ng sweetness na nagbahagi sila ng kanilang mga litrato

- Sa kaniyang twitter account ay tila nagpasaring sa dalawa ang kapatid ni Devon na si Dhemy Seron

Nitong nagdaang araw lamang ay ginulat nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo ang madla sa kumpirmasyon ng kanilang relasyon.


Sa Instagram account nila ay nagbahagi sila ng sweet photos nilang dalawa, habang naka caption si Kiko ng 'I Love You'.

Sa post namang ito ni Kiko ay nag reply si Heaven ng 'I Love You too'.


Samantala kung tila masayang masaya ang dalawa sa pag-amin nilang ito ng kanilang relasyon ay tila may pasaring sa kanila ang kapatid ni Devon na si Dhemy Seron.

Matatandaang pumutok ang balita noon ng hiwalayang Kiko at Devon dahil umano sa pagpasok ni Heaven.

Ilang makahulugang tweets ang ni retweet ni Dhemy Seron na tila pinatutungkulan ang pag-amin nina Kiko at Heaven ng kanilang relasyon.

" Time is the truth teller talaga," unang retweet ni Dhemy.

"Kung naging HONEST nalang sana.," pangalawang retweet nito.


Matatandaan ding isa si Dhemy Seron ang siyang tila nakipaglaban pagdating sa issue at ipinagtanggol ang kapatid na si Devon.