Online Seller nag trending dahil sa nauwi sa Live vlogging ang pagtitinda niya!

Online Seller nag trending dahil sa nauwi sa Live vlogging ang pagtitinda niya!

Online Seller nag trending dahil sa nauwi sa Live vlogging ang pagtitinda niya!
- Trending at usap usapan ang online seller na si Daisy_licious dahil sa nakakatawang hirit nito

- Imbes kasi na makapag tinda siya ng kaniyang ibinibentang damit ay lumalaki lamang ang viewers niya

- Mas lalo itong pinag usapan dahil sa kaniyang pagtitinda ng damit na tila pang-patay

Trending at usap-usapan ang Online Seller na si Daisy_Licious dahil sa nakakatuwang pagbebenta nito ng kaniyang mga itinitindang damit.

Sa kaniyang mga Live kasi ay malakas ang boses na tila lagi itong lasing o kaya naman ay kasalukuyang nakikipag inuman sa kasamahan, bagay na ikinatutuwa ng kaniyang mga viewers.

Lalo pa itong kinatuwaan ng lahat ng magtinda siya ng damit na bagay umano sa pang-patay, nag pose pa nga ito ng nakapikit na para umanong nasa loob siya ng ataul.

Pero ang mas ikinatatawa ng madla ay ang pag lobo ng kaniyang viewers ay wala namang nagma- mine o bumibili ng kaniyang ibinibenta.

"Mga inutil.... andaming nyong viewers pero walang nagmamine? Magmine kayo. Kelangan ko ng pangchicha (pangkain) birthday ng nanay ko. K*ng*na nyo!!! Oh devahhhh!," ang pamosong linya niya dahil wala nga namang nag ma mine sa kaniyang live.


Pumapalo agad sa halos 1M ang mga libe video views niya dahil sa nakakaaliw na pagtitinda niya gayon na rin ang pagbibigay kasiyahan niya sa marami.

Sa kaniyang official Facebook Page ay ibinahagi na nito ang kaniyang Live Schedule upang marami pa ang lalong makapanood ng kaniyang Online Selling/Goodvibes Vlogging.


Sundan siya sa kaniyang official Facebook Page na Daisy_licious Ukay.