Rendon Labador may hirit laban kay Robin Padilla, "Mali na nga gagaya ka pa, tang* ka ba?"

Rendon Labador may hirit laban kay Robin Padilla, "Mali na nga gagaya ka pa, tang* ka ba?"

Rendon Labador may hirit laban kay Robin Padilla, "Mali na nga gagaya ka pa, tang* ka ba?"
- Trending at naging usap usapan kamakailan ang one on one interview ni Ogie Diaz kay Robin Padilla

- Sa nasabing interview ay ibinunyag ni Robin na hiwalay na ang anak nitong si Kylie sa asawang si Aljur

- Sa statement ni Robin ay tila hiniritan sya ng social media influencer na si Rendon Labador

Trending at naging usap usapan ang interview ni Ogie Diaz kay Robin Padilla dahil sa pagsiwalat nito na hiwalay na ang anak niyang si Kylie sa asawang si Aljur Abrenica.

Sa nasabing interview ay isiniwalat nito na third party umano ang dahilan ng paghihiwalayan o sa madaling salita ay nambabae umano si Aljur.

Nang tanungin kung kinompronta umano ba niya si Aljur dahil sa panloloko nito ay diretsahang sinabi ni Robin na hindi nya umano ito tinanong o Kinukwestiyon.

Ani pa nga ni Robin na normal lamang umano sa panahon ngayon na matukso ang mga lalaki, dahil sa likas umano ito sa kalalakihan.

Hindi nya umano gugustuhing kastiguhin o pagalitan si Aljur sa nagawa nito dahil baka raw mapahiya siya at bumalik lamang ito sa kanya.

"Ano sasabihin ko kay Aljur? 'G*go ka! Ba't ka nambabae?', (Baka) Sasabihin sa akin ni Aljur, 'Bakit kayo, Pa, hindi ba kayo nambabae?' Ayoko masagot nu'n! Ayoko. Mapapahiya ako," tinuran ni Robin.

Samantala nagbahagi naman ng kaniyang kumento ang social media influencer na si Rendon Labador sa itinuran ni Robin Padilla.

"Lahat naman tayo nagkakamali pero yung parang pino-promote mo pa na okay lang at normal lang yan, yun ang hindi tama.

"Kung ako sasampalin ko si Aljur. Sasabihin ko na 'oo, nagkamali ako kaya huwag mong gayahin'. Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba," kumento ni Labador.


Umani ng positibong kumento mula sa netizens ang naturang kumento ni Ladabor laban kay Robin Padilla.