KAPAMILYA FOREVER! Piolo Pascual at Sarah Geronimo, nagpasalamat sa mga Kapamilyang hindi iniwan ang ABS-CBN!

KAPAMILYA FOREVER! Piolo Pascual at Sarah Geronimo, nagpasalamat sa mga Kapamilyang hindi iniwan ang ABS-CBN!

KAPAMILYA FOREVER! Piolo Pascual at Sarah Geronimo, nagpasalamat sa mga Kapamilyang hindi iniwan ang ABS-CBN!
- Tinapos nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ang mga espekulasyon ng maraming netizens kung sila talaga ay mag-o-ober-da-bakod.

- Sa opening number ng ASAP Natin 'To nitong Linggo, July 11, nagpasalamat sina Piolo at Sarah sa mga Kapamilya na 'di bumitaw sa suporta sa ABS-CBN 

- Dahil sa kanilang mga pahayag, siniguro nila na sila ay KAPAMILYA FOREVER.

Sina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual at Popstar Royalty Sarah Geronimo ang ilan sa mga bankable at natitirang A-listers ng ABS-CBN sa mga nakalipas na panahon.

Ngunit sa mga nakalipas na mga araw, sila ang bulung-bulungan ng ilang netizens na iiwanan na nila ang ABS-CBN kasunod ng mga kabi-kabilang lipatan ng kabilang mga katrabaho at maging mga ilang dating executives, bunsod ng kawalan ng prangkisa nito.

Kasunod nga ng kawalan ng prangkisa ng Kapamilya Network noong nakaraang taon, isa si Piolo sa Kapamilya stars na nakita sa TV5 sa variety show na Sunday Noontime Live kasama sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, Catriona Gray at marami pang iba, na nagtapos matapos lang ang 3 buwan. Nito namang mga nakaraang buwan, maugong ang balitang lilipat s'ya sa GMA dahil sa umano ay nililigawan sya ng mga dating mentors na sina Direk Bobot Mortiz at Mr. M. Johnny Manahan na nasa poder na ni Wowowin host Willie Revillame sa pamamagitan ng WBR Productions.

Samantalang si Sarah, na eksklusibo na sa ABS-CBN simula noong 2004, ay kasalukuyang on-leave sa kanyang regular show na ASAP upang magfocus sa kanyang ibang commitments lalo sa kanyang buhay-may-asawa kasama ang mister na si Matteo Guidicelli. Ngunit naging sentro ng intriga ang sikat na singer-actress noong mga nakaraan dahil sa nalalapit na pagpapalabas sa GMA Network ng Tala: The Film Concert sa July 18. Doon nagkaroon ng mga haka-haka na maaring yun na ang hudyat na maaring bumalik si Sarah sa GMA matapos ang halos 18 taon. Nauna nang sinabi ng mismong management ng Viva Entertainment na eksklusibo pa rin si Sarah sa Kapamilya Network.

Ngunit nitong Linggo, July 11, tila tinapos nina Papa P at Sarah G ang mga di mamatay-matay na isyu ng lipatan. Sa espesyal na pagpupugay sa ABS-CBN sa ASAP Natin 'To, sa pamamagitan ng pre-recorded messages, nagbigay ng pahayag ang dalawa, na nagkasama na rin sa isang pelikula, ang The Breakup Playlist.

Sinabi ni Piolo na ang patuloy na pagsuporta at pagtitiwala sa ABS-CBN ng nakararami ang nagsisilbing inspirasyon nila para manatiling "in the service of the Filipino". Nagpasalamat din si Papa P sa lahat ng mga Kapamilyang patuloy na pinatutuloy ang ABS-CBN sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng iba't ibang platforms kahit na mahirap ang pinagdaraanan ng network mula noong isang taon.

"Kapamilya, thank you for continuing to let us in your homes through all the different availabie platforms, giving us to face a lot of hardships and difficulties since last year. Your support and your trust will always be an inspiration to us to be in the service of the Filipino.maraming salamat po and see you soon," pahayag ni Piolo Pascual.

Para naman kay Sarah G, hindi nag-iiwanan ang magkakapamilya. At yun raw ang napatunayan ng maraming manonood kaya walang sawa silang magpasalamat nang paulit-ulit.

"Mga Kapamilya, andito pa rin ang ating pamilya. Dahil sa hindi nagbabagong pagmamahal natin para sa isa't isa. Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit n'yo ring pinatunayan na ang magKapamilya, hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo," pahayag naman ni Sarah Geronimo.

Bukod sa kanila, spotted rin sa ilang performances ang ibang Kapamilya stars na noon ay naintriga rin na lilipat ng ibang estasyon na sina Shaina Magdayao at ang real-life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Dahil sa mga pahayag na yan nina Piolo at Sarah, doon na tinuldukan ang mga agam-agam ng marami na lulundag sila sa kabilang bakod. Pinatunayan pa rin ng dalawang top stars na sila ay #KapamilyaForever.