Mag ina nahuli ang ama kasama ang kabit nito?, nagsabunutan sa gitna ng kalsada

Mag ina nahuli ang ama kasama ang kabit nito?, nagsabunutan sa gitna ng kalsada

Mag ina nahuli ang ama kasama ang kabit nito?, nagsabunutan sa gitna ng kalsada
- Trending na ang talagang pinag uusapan ang video na ini-upload ni Rosemarie Villanueva

- Mapapanood sa video na nag aaway at sinasabunutan na ni Rosemarie ang di-umano'y kabit ng asawa niya

- Mapapakiggan din na ang anak nila ang siyang kumukuha ng video sa nagaganap na karambola sa kanila

Trending at usap usapan ngayon ang video na ini-upload ng isang netizen na nagngangalang Rosemarie Villanueva.

"Sadyang malanding babae," maikling caption niya sa kaniyang post kaakibat ang crying emoji at ang hashtag na Raffy Tulfo in Action.

Sa video mapapanood na sinasabunutan na nito ang di-umano'y kabit ng asawa niya, tinawag nito ang kabit sa ngalang 'Jhoan'.

At pinuprotektahan naman ng lalaki si Jhoan na yakap yakap na nito, sa asawa niya habang nakasuot pa ng helmet.

Mapapakinggan din na ang dipensa ng dalawa ay sinamahan lang daw ni Jhoan ang lalaki sa kung saan sila pupunta.

Ani pa ni Jhoan na alam umano ng asawa niya ang bagay na iyon, samantala ang anak ni Rosemarie na siyang kumukuha ng video ay hindi pinapaniwalaan ang depensa ni Jhoan at ng kaniyang ama bagkus ay pinagmumura pa niya ang mga ito.

Panoorin ang kabuuan ng video rito: