Batang puno ng pasa at bukol humingi ng tulong sa kapitbahay, nagmaka-awang huwag siyang ibalik sa Ama?

Batang puno ng pasa at bukol humingi ng tulong sa kapitbahay, nagmaka-awang huwag siyang ibalik sa Ama?

Batang puno ng pasa at bukol humingi ng tulong sa kapitbahay, nagmaka-awang huwag siyang ibalik sa Ama?
- Trending na ang isang video patungkol sa isang batang humingi ng tulong sa kaniyang kapitbahay

- Ayon sa uploader ng video ay hubo't-hubad umano na tumungo ang bata sa kanilang bahay

- Tinakasan umano nito ang amang binugbog siya at gusto pang kitilin umano ang buhay niya

Trending ang video ng netizen patungkol sa isang bata na hubo't-hubad na pumasok umano sa kanilang bahay at umiiyak na humingi ng tulong sa kanila.

Sa Facebook video upload ng netizen na si Noimie Panyu na may caption pa na, "My batang nkakaawa na biglang pumasok d2 sa bhay namin na hubad hubad at sobrang payat, tumakas dw xa sa tatay Nia na ngbubugbog at papatayin dw.. sna makulong na at d makalaya ang tatay Nia, pashare po please".



Sa video mapapanood ang isang bata na nagpakilalang si Laurence Baranda na umiiyak at nagmamakaawa sa pamilya ni Panyu na huwag umano siyang ibalik sa kaniyang ama.

Kwento ng bata na binubugbog umano siya ng ama at tinakot na papatayin pa, "Tulungan nyo po ako, ayoko pa pong mamatay," pagmamaka-awa pa ng bata.

Makikita pa sa video na may maliit na sugat sa mukha ang bata, may pasa sa tuhod at paa, may bukol sa ulo, at ang kapansin pansing kapayatan pa nito.

Dinala umano sa hospital ang bata upang mapasuri ng maayos ang nga sugat at pasa nito, sa sumunod na update ni Panyu ay kinuha na umano ang bata ng kaniyang tiyuhin at iuuwi sa lola nito.

Panoorin ang video ng bata rito: