Binibining Pilipinas 2021 under ABS-CBN pa rin, mapapanood sa A2Z Channel

Binibining Pilipinas 2021 under ABS-CBN pa rin, mapapanood sa A2Z Channel

Binibining Pilipinas 2021 under ABS-CBN pa rin, mapapanood sa A2Z Channel

- Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Binibining Pilipinas, puro babae ang magiging main hosts ng coronation night.

- Sila ay sina Catriona Gray at Nicole Cordovez sa coronation night, habang si Samantha Bernardo naman ang magbubukas para sa preliminaries.

- Balik-Big Dome na ang venue ng Binibining Pilipinas mula sa New Frontier Theatre na una nang inanunsyo bilang venue.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng 57-taon ng Binibining Pilipinas, puro kababaihan ang magbibigay-kulay at boses sa taunang pageant. Matatandaang 2019 pa huling ginanap ang Binibining Pilipinas, dahil hindi itinuloy ang event noong isang taon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o CoViD19.

Sina Catriona Gray, isa sa dalawang huling Bb. Pilipinas - Universe at nagtagumpay bilang Miss Universe 2018 ang isa sa magsisilbing main host ng edisyong ito ngayong 2021. Makakasama ni Queen Cat ang dati nang naghost ng 2018 at 2019 editions ng Binibini na si Nicole Cordoves, na nanalo namang Bb. Pilipinas - Grand International at naging 1st Runner-up din ng Miss Grand International 2016.

Habang si Samantha Bernardo, na 2nd Runner-up ng Bb. Pilipinas 2019 at 1st Runner-up ng Miss Grand International 2020, ang magbubukas ng preliminaries ng nasabing pageant.

Samantala, sa spiel na ginawa ni Catriona, inanunsyo nya ang opisyal na schedule ng coronation night ng Binibining Pilipinas sa taong ito. Ito ay gaganapin sa darating na July 11, 2021, alas-9:45 ng gabi. Ang venue ng naturang event ay ibinalik na sa tradisyon na venue nito, ang Smart Araneta Coliseum o ang "The Big Dome", mula sa nauna nitong anunsyo na sa New Frontier Theatre (dating Kia Theatre) gaganapin ang nasabing kompetisyon.

Mapapanood ang Binibining Pilipinas 2021 sa ABS-CBN sa pamamagitan ng A2Z Channel 11 sa free TV at sa official Binibining Pilipinas YouTube Channel sa online. Tatlumpu't apat (34) na dalagang Pilipina ang maglalaban-laban para sa apat na titulo, ang Bb. Pilipinas - International, Bb. Pilipinas - Grand International, Bb. Pilipinas - Globe at Bb. Pilipinas - Intercontinental.