Mala-Eba at Adan na pre-nuptial ng isang Magkasintahan, Patok na patok!

Mala-Eba at Adan na pre-nuptial ng isang Magkasintahan, Patok na patok!

Mala-Eba at Adan na pre-nuptial ng isang Magkasintahan, Patok na patok!


Ang bawat isa sa atin ay naghahangad ng naiibang memories pagdating sa isa sa pinaka masayang araw ng ating buhay kagaya na lamang ng pagpapakasal.

Kaya naman kakaiba ang naisipan nina Katherine Umbajeno at Aguinaldo Tan pagdating sa kanilang naiibang memories bilang magkasintahan.

Tunay ngang patok at pinag uusapan ngayon sa social media ang naiibang pre-nuptial photos ng nilang magkasintahan na kapwa taga Davao Oriental.

Sa nasabing pre-nuptial photos ay mga dahon ng saging at gabi ang itinakip sa kanilang katawan, na isang biglaang desisyon lamang umano na konsepto ng photoshoot.

"Sobrang happy namin habang ginagawa ‘yong shoot. Tawa kami nang tawa. Walang hesitation na gawin namin ‘yon," ani Umbajeno.


Sa isang hiwalay na Facebook Post ay ipinaliwanag ni Umbajeno ang pangyayari ukol sa kanilang naging desisyon dito.

Ipinaliwanag nito na sa araw ng kanilang Prenup Shoot ay bumuhos ang malakas na ulan at sayang umano ang outfit nila kung mababasa ng ulan kaya naman naisipan nilang gumamit na lamang ng dahon ng saging at gabi.


"Flexibility over the given situation jud among drama dria because of heavy rains during our scheduled Prenup Shoot. 😉😊😄💕❤"

"Sayang man ang outfit mabasa sa ulan maong nakaisip mi ani na concept. 💕 Hehe."

"Special thanks sa mga tao behind the cameras po. ❤❤❤", Ani ni Umbajeno.


Naging magkasintahan ang 2 noong 2018 pero nagkahiwalay dahil nag-aral ng criminology si Tan sa Davao City habang nagtuturo naman sa Davao Oriental si Umbajeno.

"Dahil sa pandemic, nagkabalikan kami at nag-propose siya," kuwento ng dalaga.

Sa Enero 8, 2021 ikakasal ang dalawa. CONGRATULATIONS

All Photos credit to: Asterisc Photography | Courtesy: Hernel Tocmo