Xander Ford nakalaya na, pinasalamatan ang Ina ngayong kapskuhan

Xander Ford nakalaya na, pinasalamatan ang Ina ngayong kapskuhan

Xander Ford nakalaya na, pinasalamatan ang Ina ngayong kapskuhan
Nitong nakaraang araw nga ay naaresto at nakulong ang Social Media Influencer na si Xander Ford dahil sa kaso laban sa kaniya.

Kinasuhan siya ng kanyang dating nobya na si Ysah Cabrejas ng violence against Women and Children act.

Makalipas nga ang higit sa isang araw ay pansamantalang nakalaya rin ito dahil sa pagtulong ng kanyang dating manager at talent agency na Star Image Artists Management na pinyansahan sya ng higit sa P18,000.

Ayon din sa kanilang pag uusap ay personal umanong makikipag ayos at makikiusap si Xander Ford kay Ysah Cabrejas upang mapatawad ito sa kanyang nagawa.

Umani nga ng pangaral mula sa kanyang manager si Xander Ford na nagsasabing sana ay magbago na siya alang alang sa kanyang Ina.

Sa kanyang Instagram Account naman ay nagbahagi siya ng mensahe sa kanyang Ina.

"Merry Chrismas Mama Salamat andyan ka palagi para sa akin. Lesson learn na ito pero ngayun Bagong taon. Di tayo mag kakahiwalay salamat sa lahat mama ko," ani nito.



Nagkumento naman ang iba sa madamdaming post na ito ni Xander para sa kanyang ina, may iba na patuloy pa rin siyang bina bash at may iba naman na nagbigay din ng payo sa kanya.

"Magpakabait ka Xander. God bless you!", ani ng isa na hiniling na magpakabait na nga ito.

"Magpakabait ka na Xander maawa ka sa mama mo merry christmas Godbless", dagdag pa ng isa.

May isa pa nga na animo'y nag ceasefire mina sa kanyang pamba bash para na rin sa diwa umano ng kapaskuhan.

"Sa mga susunod na araw na lang ulit kita ibabash. Sa ngayon Merry Christmas muna tol."

Ikaw anong masasabi mo kay Xander Ford?