JUST IN: Xander Ford inaresto at kasalukuyang nakakulong ngayon!

JUST IN: Xander Ford inaresto at kasalukuyang nakakulong ngayon!

JUST IN: Xander Ford inaresto at kasalukuyang nakakulong ngayon!
Kinumpirma ng dating Talent Agency ni Xander Ford na Star Image Artist Management ang pagkakadakip kay Xander Ford ngayong Gabi.

Sa Facebook Live ng Star Image Artist Management ay makikitang nasa loob na nga ng kulungan si Xander Ford at kasalukuyang nasa presinto ang kanilang team.



Ayon sa Kumukuha ng Video na siyang taga Star Image Artist Management ay hinuli o inaresto ngayong araw si Xander Ford sa kasong isinampa sa kanya ng dating Girlfriend na si Ysah Cabrejas.

RA 9262 o Violence Against Women and Children ang siyang kasong kinakaharap ni Xander Ford.

Ayon mismo sa taga Star Image ay nagtungo sila ng personal upang tulungan si Xander Ford na piyansahan ito dahil wala umano itong kakayahan upang piyansahan ang sarili.

Nabanggit din sa nasabing Live Video na sa pagka piyansa sa kaniya ng Star Image ay direkta na nilang kakausapin si Iza, ang dating Girlfriend ni Xander, kasama si Raffy Tulfo na pinag sumbungan umano ni Iza upang maayos ang anumang gusot sa kanila.

Nilinaw naman ng Star Image na sa kabila ng personal na kasalanan ni Xander sa kanilang Agency ay malambot ang kanilang puso at hindi nila maaatim na mag pasko at bagong taon si Xander sa Kulungan.

Matatandaang nitong Hulyo ng taong din ito ng magtungo ang dating girlfriend ni Xander na si Ysah sa Raffy Tulfo in Action upang isumbong ang di umano'y pang haharass na ginawa sa kanya nito.