Cristy Fermin ikinumpara si Awra kay Vice Ganda; Dapat umanong mapangaralan ni Vice

Cristy Fermin ikinumpara si Awra kay Vice Ganda; Dapat umanong mapangaralan ni Vice

Cristy Fermin ikinumpara si Awra kay Vice Ganda; Dapat umanong mapangaralan ni Vice


- Muling nagkomento si Cristy Fermin patungkol sa issue ngayon ni Awra na viral sa social media

- Ikinumpara niya si Vice Ganda kay Awra na hindi naman umano nasasangkot sa mga kagulugan sa bar

- Sinabi rin nitong sana'y maturuan ng leksyon ni Vice si Awra dahil malayong-malayo umano si Awra sa phenomenal star

Tila hindi bitter ngayon ang showbiz insider na si Cristy Fermin sa Kapamilya superstar na si Vice Ganda dahil ginawa pa niya itong 'good example' nang magkomento muli siya sa isyung kinasasangkutan ngayon ng TV host at aktres na si Awra Briguela.

Matatandaang nagviral kamakailan si Awra Briguela dahil sa gulong nangyari sa isang bar sa Poblacion, Makati City na siya namang agad na kinagat ng netizens. 

Dahil dito, mabilis na nagviral si Awra kaugnay sa 'di umano'y 'di magandang ugali nito noong gabing iyon.

Maraming nagreact sa isyu kabilang na si Cristy Fermin, na ngayon ay may bitbit muling mensahe para kay Awra.

Ani Cristy, hindi kailanman napasama sa isang kaguluhan si Vice Ganda kahit na madalas daw itong mag-bar at pumarty kung saan-saan. Akala raw kasi ng iba ay kakampihan ni Vice si Awra dahil malapit sila sa isa't isa.

Ngunit hindi naman ganito ang pananaw ni Cristy, sabi niya, “Ako, gusto kong kontrahin yung, ‘Naku, kakampihan ni Vice Ganda yan. Alam mo naman si Vice, kapag malapit sa kanya, naku, kanyang-kanya yan.’ Ako, hindi.”

“Sa tinagal-tagal po ng pagiging popular ni Vice Ganda, kahit nung nandun palang siya sa mga line line, kasamahan mo, di ba?

“Hindi siya talaga gumagawa ng gulo. Tahimik lang siya. Alam niya kung paano itrato ang pag-inom at ang pag-punta sa bar,” dagdag pa nito.

Pahayag pa nito, sana ay maturuan umano ni Vice Ganda si Awra ng leksyon upang matuto sa kanyang ginawa.

“Madalas siyang lumabas noon, bar hopping talaga kung bar hopping.

“Pero meron po ba tayong nabalitaan na si Vice Ganda ay nasangkot sa kaguluhan sa mga bar? Wala po. Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo.

“Malayong malayo dito kay Awra Briguela. Itong batang ‘to, dapat itong iupo ni Vice para pangaralan, para bigyan ng leksyon,” hirit pa ng showbiz columnist.

Sa ngayon ay nakalaya na si Awra sa kulungan matapos nitong magpiyansa ng 6,000 pesos.