TAPE Inc., idedemanda umano ang ilang mga staffs ng E.A.T. ani Cristy Fermin

TAPE Inc., idedemanda umano ang ilang mga staffs ng E.A.T. ani Cristy Fermin

TAPE Inc., idedemanda umano ang ilang mga staffs ng E.A.T. ani Cristy Fermin


- Nabalitaan umano ni Cristy Fermin na makakasuhan ang ilang mga staffs na sumama sa TVJ sa TV5

- Maliban kina Tito, Vic, at Joey ay nabalita rin na ang ilang mga staffs ng dating 'Eat Bulaga' ay sumama na sa TV5 para sa bagong programa ng TVJ

- Hindi naman daw masisisi ang TVJ dahil hindi naman sila empleyado ngunit 'talents' ng dating 'Eat Bulaga' na ngayo'y nasa 'E.A.T'

Nabalitaan umano ng showbiz insider na si Cristy Fermin ang umano'y pagsasampa ng kaso ng TAPE Inc. sa mga dating staff ng Eat Bulaga na sumama kina Tito, Vic, at Joey sa TV5.

Ito ang natalakay niya sa 'Showbiz Now Na' kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika nang muli silang magkomentaryo sa mga ganap sa showbiz.

Bago nga ito ay matatandaang talo sa ratings game noong July 3 ang bagong Eat Bulaga ng GMA-7 laban sa E.A.T. ng TV5, at It's Showtime ng A2Z, Kapamilya Channel, at GTV mula sa datos ng Kantar Media.

"Meron ding isang kwento na nabasa ko na idedemanda raw ng TAPE Inc. ng magkakapatid na Jalosjos ang mga staff na sumama sa Tito, Vic and Joey," hirit ni Cristy.

Wala naman umanong 'sabit' ang TVJ sa kasuhan dahil aniya'y hindi naman ito staff, kundi mga 'talents'.

"Hindi naman pupwedeng sisihin ang TVJ, hindi sila empleyado. 'Nung umalis sila, wala naman silang sabit. Hindi sila empleyado, talents sila," paglilinaw pa ni Cristy.