Sharon may komento sa mga noontime shows; Masama ang loob sa nangyari sa TVJ

Sharon may komento sa mga noontime shows; Masama ang loob sa nangyari sa TVJ

Sharon may komento sa mga noontime shows; Masama ang loob sa nangyari sa TVJ


 - May komento si Sharon Cuneta hinggil sa mga noontime shows nang magguest ito sa E.A.T. ng TVJ sa TV5

- Sinabi nitong hindi raw niya nagustuhan ang pinagdaanan ng TVJ at masama umano ang loob niya sa 'pinagdaanan' nila

- Aniya pa, kahit may kanya-kanyang tagasuporta ang mga shows na ito ay 'iba' pa rin daw ang pagmamahal sa TVJ

Guest ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagbabalik ng TVJ sa ere nitong Sabado, July 1 sa TV5 kasabay ng pagpasok ng It's Showtime sa sister channel ng GMA, ang GTV.

Sa kanyang guesting doon ay inamin niyang dismayado siya at hindi natutuwa sa 'pagtrato' ng TAPE Inc. sa TVJ ngunit masaya naman ito sa pagtapak niya sa bagong show ng trio.

“Karangalan ko pong narito ako dahil bumalik sa ere ang ating show ng TVJ. Pero talagang sumama ang loob ko dahil dapat inalagaan kayo.

“Ayoko yung pinagdaanan niyo, you didn’t deserve that,” hirit pa ni Sharon.

'Kalmang-kalma' naman daw siya nang biruin ni Joey de Leon na baka maintriga na naman ang mga 'legit Dabarkads' dahil sa kanyang sinabi.

Aware naman si Sharon na talagang mainit ngayon ang labanan ng tatlong noontime shows ngunit aniya'y iba pa rin umano ang pagmamahal sa TVJ.

“Maraming shows sa noontime, ang may kanya-kanyang nagmamahal pero iba pa rin ang pagmamahal sa mga kasama ng TVJ at Dabarkads. So, huwag nating pababayaan na mawala ang kaligayahan ng taumbayan,” pahayag ni Sharon.