Joey de Leon, pinaringgan si Vice Ganda? "Lagpas helicopter!"

Joey de Leon, pinaringgan si Vice Ganda? "Lagpas helicopter!"

Joey de Leon, pinaringgan si Vice Ganda? "Lagpas helicopter!"


 - Napansin ng netizens na tila pinaparinggan na naman ng host na si Joey de Leon ang It's Showtime at si Vice Ganda

- Kaugnay nito ang trending na pagsakay ng helicopter ng Kapamilya superstar papunta sa building ng GMA

- Nakiusap naman ang netizens na tigilan na sana ang pagpaparinig ni Joey de Leon dahil nakakawala raw ito ng respeto  

Tila may patama na namang sinabi ang host ng bagong TV5 noontime show na si Joey de Leon laban sa kalaban nitong programa na It's Showtime na ngayo'y napapanood na sa GTV ng GMA.

Pinaringgan niya kasi ang It's Showtime lalo na ang Kapamilya unkabogable star na si Vice Ganda sa kanyang viral Instagram post.

Makikita sa kanyang post ang hosts ng E.A.T. na nakasakay sa loob ng elevator. Kahit na mukhang siksikan sa loob ay proud na proud ito kahit maliit lang daw ang kanilang studio.

Aminado rin itong 'nagpapansin' sila dahil aniya'y ang pagpansin ng madla sa kanila ay mas mataas pa sa helicopter.

"Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter!" caption ng host.

Ito'y matapos na magpasabog si Vice Ganda sa unang araw nila sa GTV. Enggrande kasi ang pagsakay niya sa helicopter patungo sa building ng GMA Network upang makisaya sa mga Kapusong madlang people.

Nanawagan naman ang isang 'concerned' citizen kay Joey na sana'y tigilan na niya ang mga patamang ganito. Aniya, nakakawala raw kasi ng respeto ito at mas mabuting maging humble na lamang.

"Congratulations on your new home. Sana po iwas iwasan nyo na sir ang paparinig. Nakaka wala po yon ng respito. Pwede namn mag bigaybng isa’t libo isang tuwa pro yong mga parinig nakakawala ponng [respeto]," komento ng isang netizen sa post.

Dagdag pa, "Being humble is more important and be thankful kasi meron kayong new home. Napakasakit po nyan kng babagsak ulit kayo."