Barbie Forteza, nagpasalamat kay Joshua Garcia dahil siya ang 'best dressed' para sa aktor

Barbie Forteza, nagpasalamat kay Joshua Garcia dahil siya ang 'best dressed' para sa aktor

Barbie Forteza, nagpasalamat kay Joshua Garcia dahil siya ang 'best dressed' para sa aktor


 - Viral ang It's Showtime family matapos dumalo sa Gala night ng GMA nitong July 22, Sabado

- Present din sa nasabing event ang 'Unbreak My Heart' actor na si Joshua Garcia

- Sa tanong naman kung sino ang 'best dressed' para kay Joshua, si Barbie Forteza ang pinakamaganda

Kasamang nakisaya ang It's Showtime family at mga hosts nitong sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario sa nagdaang GMA Gala 2023 na ginanap nitong Sabado, July 22.

Viral ang apat na hosts sa kanilang mga outfit ngunit hindi rin nagpakabog ang 'Batang Quiapo' star na si Toni Fowler na spotted sa naturang event.

Kasama ring nakisaya sa mga Kapuso artists ang 'Unbreak My Heart' actor na si Joshua Garcia na natanong kung sino para sa kanya ang 'best dressed' sa event.

Sa tweet ng GMA Integrated News sa Twitter, masayang sinagot ni Joshua na para sa kanya'y si Barbie Forteza ang pinakamaganda.

Natuwa naman dito si Barbie at pinasalamatan si Joshua sa isang tweet.

Nireplyan naman ito ni Joshua sa isang quote retweet.