Lolit Solis sinabing may naiinggit daw sa success ni Belle Mariano: "Bagay na bagay sila ni..."

Lolit Solis sinabing may naiinggit daw sa success ni Belle Mariano: "Bagay na bagay sila ni..."

Lolit Solis sinabing may naiinggit daw sa success ni Belle Mariano: "Bagay na bagay sila ni..."


 - Pinuri ni Lolit Solis ang aktres na si Belle Mariano dahil mukha raw itong masarap katrabaho at madaling kasama

- Patok na patok nga rin daw ang mga commercials nila ni Donny dahil bagay daw talaga ang mag-loveteam

- Marami rin daw ang naiinggit sa dami ng endorsements nito dahil halos lahat ng commercials ay nakikita si Belle

Nagtungo si Lolit Solis sa kanyang Instagram account upang ikuwento kung paano niya nakikita ang aktres na si Belle Mariano.

Nacu-cute-an umano siya kay Belle kaya hindi mapagsasawaan ang ganda ng aktres. Bagay na bagay nga rin daw silang dalawa ng ka-loveteam niyang si Donny Pangilinan.

"Ang cute niya sa TV kaya hindi mo pagsasawaan ang ganda niya. Bagay na bagay sila ni Donny Pangilinan kaya naman patok na patok ang commercials nila," sabi nito.

Ngunit sa dami raw ng endorsements ni Belle ay marami rin daw ang naiinggit sa dalaga. 

"Ang ganda ganda ni Belle Mariano, Salve. At alam mo bang marami ang nai inggit sa dami ng endorsement niya? Paano nga halos lahat ng commercials, nanduon siya. "

 "Mukhang very pleasant siyang kasama sa trabaho at mabait makisama kaya marami siyang trabaho," dagdag pa nito.

Hiling pa niya, sana pa'y mabigyan pa ito ng malalaking projects upang magtuloy-tuloy ang pagsikat nito. 

"Sana nga ay matuloy ang balak na gawan pa sila ng malalaking project para mas marami pa ang manuod sa kanila. At sana nga mas makilala pang mabuti si Belle Mariano para dumami pang lalo ang kanyang mga projects," hirit pa niya.

Narito ang kabuuan ng post: