Themesong ng 'Nag-aapoy Na Damdamin', bumenta sa netizens; Pilot episode viral

Themesong ng 'Nag-aapoy Na Damdamin', bumenta sa netizens; Pilot episode viral

Themesong ng 'Nag-aapoy Na Damdamin', bumenta sa netizens; Pilot episode viral


- Viral ang pilot episode ng bagong Kapamilya teleserye na 'Nag-aapoy na Damdamin' sa Twitter

- Hook din ang netizens sa themesong nito na mapapakinggan sa OBB ng serye

- Ginawan din ito ng memes at 'dinogshow' ng netizens dahil sobrang catchy daw umano ng kanta

Viral at hindi nagpakabog ang pinakabagong ABS-CBN-TV5 collab serye na 'Nag-aapoy Na Damdamin' sa unang araw ng pag-arangkada nito ngayong July 25.

Bida sa nasabing serye ang Kapamilya stars na sina Jane Oineza, JC de Vera, Ria Atayde, at Tony Labrusca sa ilalim ng produksyon ng JRB Creative.

Maliban sa umaatikabong linya at pagalingan sa pag-arte ay napansin din ng netizens ang 'catchy' na OBB nito kaya naman mabilis na umatake ang netizens upang gawan ng memes.

Napansin din nina Jane Oineza at JC de Vera ang memes na gawa ng mga nanood. May iba rin na nilagyan pa ng background video habang 'nag-aapooooyyy' ang background music. 

Mapapanood ang Nag-aapoy Na Damdamin, Lunes hanggang Biyernes, 3;50PM pagkatapos ng Pira-Pirasong Paraiso.