Cristy, naaawa kay Awra; Napansin ang pulis na nagposas: "Laki-laki ng katawan nu’ng pulis tapos biglang..."

Cristy, naaawa kay Awra; Napansin ang pulis na nagposas: "Laki-laki ng katawan nu’ng pulis tapos biglang..."

Cristy, naaawa kay Awra; Napansin ang pulis na nagposas: "Laki-laki ng katawan nu’ng pulis tapos biglang..."


- Nag-aalala si Cristy Fermin sa aktres na si Awra dahil sa pagkakasangkot nito sa gulo at lagay nito sa ilalim ng pulisya

- Matatandaang nag-viral ang away sa pagitan nina Awra at mga lalaking 'di umano'y nanghipo ng babae

- Nagreact naman dito si Cristy at sinabing mabait na bata si Awra at may respeto sa tao

Tila naaawa na ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa lagay ng aktres na si Awra Briguela, matapos masangkot sa isang gulo sa Poblacion, Makati City nitong Huwebes.

Pinosasan, ikinulong, at patong-patong na charges kasi ang kinakaharap ni Awra dahil makikitang nakipag-away at nakipaglaban ito sa 'di umano'y nanghipo na mga lalaki sa kanyang babaeng kaibigan.

Kaya naman viral at trending ito online dahil hindi umano nararapat ang ginawa ng mga pulis kay Awra, lalo na't 'self-defense' lang at hindi naman umano sila ng kaibigan niya ang nauna.

Ani Cristy sa programang 'Cristy Ferminute', “Mabait itong batang ito eh, ma-respeto kaya lang kapag ang lalamunan kasi ay nabantuan na ika nga’y inuming nakahihilo at nakakapagpadulas ng dila at nakalalasing talaga pong tumatapang ang tao. Iba-ibang version ang nakarating sa akin.

“Ang sabi ang alak kapag pinagsusumbungan natin nagkakaroon ng sobrang lakas ng loob, nagiging matapang tayo. Alam naman natin an gating ginagawa pero mabilis an gating kilos at pananalita madulas ang dila,” mensahe niya.

“Of course idine-depensa itong si Awra na nag bar-hopping sila [kasi] usung-uso ngayon sa mga kabataan ‘yan. Pagkatapos sa isang bar lipat na naman. Ngayon doon sa huli nilang pinuntahan dito sa Makati diumano mayroon daw nanghipo sa kanyang dibdib (Awra) at sa dibdib ng kanyang kasamang babae," dagdag pa nito.

Pahayag pa niya, “Ngayon tinanong niya ng mahinahon, ‘bakit mo naman ginawa iyon sa amin?’ Hanggang sa lumabas naman ‘yung isa pang isyu na nagsasayaw nagkabanggaan [at] nag-sorry na raw ‘yung lalaki kay Awra lumabas para makaiwas sinundan pa raw ni Awra. Dinuro-duro at tinalakan ng tinalakan kaya nagkaroon ng rambulan, sabi (source) ‘yun daw.”

Pagtutuloy pa ni Cristy, ang ipinapataw daw na parusa kay Awra ay 'physical injury' dahil sa iskandalong nangyari. 'Direct Assault' at 'Disobedience' naman daw ang ginawa ni Awra nang talakan ang mga pulis na mapapanood sa video.

Pinagtanggol naman ni Cristy si Awra at sinabing gusto lang maranasan ni Awra ang kanyang teenage years at hindi puro trabaho lang ang aatupagin. 

Samantala, tila naimbyerna rin si Cristy sa pulis na nagposas kay Awra. Aniya, “’Yung pagkaka-posas ang laki-laki ng katawan nu’ng pulis tapos biglang tinutulak-tulak siya! Para bang nakapatay siya! Ganu’n lang ang obserbasyon ko. Parang hindi man lang binigyan ng karampatang kalayaan si Awra na bigyan ninyo ng respeto kahit pa nakipag-bardagulan na, kahit pa nakipagbugbugan na bakit parang isang batalyon ang kanyang pinatay para pagsalikupin n’yo ‘yung dalawang sa likod na may patulak-tulak pa!” hirit ni Cristy.