Chie Filomeno, special kay Jake Cuenca kahit wala pang label: "I'm happy..."

Chie Filomeno, special kay Jake Cuenca kahit wala pang label: "I'm happy..."

Chie Filomeno, special kay Jake Cuenca kahit wala pang label: "I'm happy..."


- Inamin ni Jake Cuenca kung ano ang espesyal kay Chie Filomeno ngayong mayroon nang 'development' ang kanilang relasyon

- Una raw na napansin ng aktor kay Chie ay ang pagiging mabait nito lalo na sa kanyang pamilya

- Ibinahagi naman niyang noong una silang nag-date ay nakita agad nito ang kabutihan ni Chie sa kanyang puso

Wala pang label, ngunit espesyal na ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno para sa 'The Iron Heart' star na si Jake Cuenca.

Kwento ni Jake sa panayam para sa hit teleserye niyang 'The Iron Heart', masaya siya sa kung anong nangyayari sa kanila ni Chie ngayon ngunit ayaw niya itong maudlot.

Wala naman daw siyang dapat ishare ngunit sigurado siyang napapasaya siya ni Chie. Mabait din daw kasi ito lalo na pagdating sa kanyang pamilya.

“Things are really very good right now, but there’s really nothing much to tell. I can certainly say that she makes me happy.”

“What’s special about Chie is her heart,” pagtatapat ni Jake.

Aniya pa, “To be honest, I already knew that she was a very kind person the first time we dated. She’s also very family-oriented. I appreciate that about her because I’m also like that.” 

Naaappreciate rin niya ang journey ni Chie sa industriya ng showbiz. 

"She’s someone who has been in this industry for a long time, but it’s only now that her star gets to really shine.”

“She waited for her time to come. I find that just as beautiful as she is,” dagdag pa ni Jake.

Mapapanood ang The Iron Heart gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5 at A2Z.