Angeline Quinto na parang napadaan lang sa studio ng ASAP, VIRAL!

Angeline Quinto na parang napadaan lang sa studio ng ASAP, VIRAL!

Angeline Quinto na parang napadaan lang sa studio ng ASAP, VIRAL!
- Viral and video clip ni Angeline Quinto sa kakatapos lamang na ASAP episode

- Mapapanood kasi ang tila pagdaan ni Angeline sa ASAP stage habang may nag pe perform

- Naging tampulan ang eksena sa twitter

Viral at usap-usapan ngayon ang isang clip mula sa kakatapos lamang na ASAP live episodes nitong nagdaang linggo.

Sa isa sa mga segment kasi ng ASAP ay mapapanood ang pagkanta ng ASAP singers, sa nasabing clip ay naroon sina Jed Madela at Klarrise De Guzman na umakyat sa stage, sinundan sila ni Angeline ngunit dire-diretso itong naglakad pagkatapos ay tila pumunta na ng likod at nag exit sa stage na parang napadaan lamang siya.

Ibinahagi ang naturang clip sa twitter kung saan ikinatawa ng marami ang naturang pangyayari.

"NAKAKATAWA! Proof na kahit champions nagkakamali whahaha naloka ako kay Angeline Quinto sabi niya ay teh tapos na pala exit na ako. Si Jed Madela naman hindi sumunod sa sabi ni Klarisse na sa Pangarap Mo nalang sila kakanta nakakaloka whahhahaa #ASAPNatinTo," sabi ni @momshiedivine sa naturang clip.

Panoorin ang clip rito:

Narito naman ang kumento ng ilang netizens sa pangyayari:

 

Nagbigay naman ng kaniyang reaksyon si Angeline patungkol dito: