Angeline Quinto, nagpasalamat dahil nakakuha siya ng 4M views sa kanyang online selling

Angeline Quinto, nagpasalamat dahil nakakuha siya ng 4M views sa kanyang online selling

Angeline Quinto, nagpasalamat dahil nakakuha siya ng 4M views sa kanyang online selling
- Tila sumabak na rin ang singer at aktres na si Angeline Quinto sa pag o-online selling

- Katulad ng nag-viral na si Madam Inutz, nag-viral rin ito at umabot ang naturang live selling ng 4M views

- Natuwa naman ang mga viewers nito dahil sa bagsak presyo ang kanyang tinda, kabilang na dito ang kanyang mga designer shoes at bags

Pagkatapos ng balitang nagdadalang tao ang Kapamilya singer at actress na si Angeline Quinto, tila pagtitinda ang kinakaabalahan nito ngayon. 

Marami na kasing taong ginagawang kabuhayan ang pagtitinda online dahil ito ay nasa bahay lang at pwede rin mag live para itinda ang mga produktong on-hand.

Katulad ito sa ginawa ni Madam Inutz na talaga namang nag-viral at umani ng nakakatuwang komento ng netizens. 

Marami namang natuwa sa mga tinda ni Angeline dahil na rin sa presyo nitong sobrang mura. Ang ilang designer bags na umaabot ng 100k ay ibinebenta nalang niya ng halos 25k.

Nagpasalamat naman si Angeline sa mga nanood ng kayang live dahil umabot ito ng 4 million views. Laking tuwa ni Angge kaya naman nagpost ito sa Facebook ng pasasalamat. 

Dagdag pa niya, marami pang items ang dadating sa kanyang live selling ngayong January 2022.

“O mga ka Twinkle ko, Umabot ng 4.4M ang online live selling natin. Para sa mga nagtatanong meron po ulit next year, January2022 Marami pa po tayong mga items para sainyo Ayos”