Eat Bulaga host kinanta ang It's Showtime theme song! Video Viral na!

Eat Bulaga host kinanta ang It's Showtime theme song! Video Viral na!

Eat Bulaga host kinanta ang It's Showtime theme song! Video Viral na!
- Viral sa social media ang video clip ng Eat Bulaga dahil sa ginawa nila

- Sa isa sa mga segment kasi nila ay nag request si Joey De Leon sa mga co-host niya na kantahin ang It's Showtime theme song

- Kumasa naman ang ilan at saka kinanta ang intro ng kanta

Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang video clip ng Eat Bulaga matapos na kantahin nila ang It's Showtime theme song.

Sa isa sa mga segment ng naturang show ay mapapanood ang tila bar segment nila kung saan kumakanta ang mga host ng iba't-ibang kanta.

Sa kalagitnaan nito ay nagbiro si Joey De Leon at sinabing magdadagdag ng premyo kung kaya bang kantahin ng iba ang sasabihin niyang kanta.

"Kakantahin ko talaga yan," hirit ni Jose.

"Oh sige Theme song ng It's Showtime," sabi ni Joey.

Walang alinlangang kinanta naman nina Jose, Gabbi Garcia, Allan K. at Wally Bayola ang intro ng theme song ng It's Showtime.

Matapos nito ay biniro sila ni Joey nang, "Tanggal na kayo!".

Sa kabila ng pagiging magkatapat na programa kamakailan nga ay tila naging magkakaibigan na ang mga host ng It's Showtime at Eat Bulaga dahil sa mga cute moments nila. Kamakailan lamang ay binati ng EB host si Vice Ganda sa nagdaang kaarawan nito.

Panoorin ang clip ng naturang video rito: