Viral!, Ang video ni Anne Curtis habang unaawra sa beach at sinalpok ng alon

Viral!, Ang video ni Anne Curtis habang unaawra sa beach at sinalpok ng alon

Viral!, Ang video ni Anne Curtis habang unaawra sa beach at sinalpok ng alon
- Viral ang behind the scene video na ibinahagi ni Erwan sa kaniyang Instagram account

- Video ito kung saan makikita si Anne Curtis na nakahiga sa dalampasigan at sinalpok ng malakas na alon

- May nakakatawang hirit kumento naman si Anne patungkol dito

Viral at usap-usapan ngayon ang behind the scene video na ibinahagi ni Erwan sa kaniyang Instagram account kaugnay sa Paradise beach video na unang ini-upload ni Anne sa kaniyang Instagram account.

Agad na naging usap-usapan ang video-ng ini-upload ni Anne dahil litaw na litaw ang kagandahan at ka-sexyhan niya na idinerek ng asawang si Erwan.

Ngunit sa likod pala nito ay ang nakakatawang spoof na nangyari habang ginagawa ito.

Inilabas ni Erwan ang behind the scene video kung saan habang nakahiga si Anne sa dalampasigan ay tila nasalpukan siya ng malakas na alon.

Tila akmang akma pa sa naturang video ang background music na inilapat ni Erwan.

"Dyosa in her element. Nature wins. P. S If you don't hear from me in the next 24 hours, send help.," caption pa ni Erwan sa naturang post.

"THE BEST! HAHAHAHA!," kumento pa ni Anne.

"Director’s cut at its finest, You’re forgiven tho because tawang-tawa me. Hahahahahha," dagdag pa agad nito.