"What a great honor," Kathryn on working with Dolly De Leon

"What a great honor," Kathryn on working with Dolly De Leon

"What a great honor," Kathryn on working with Dolly De Leon
Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang kanyang naging reaksyon nang unang malaman na makakasama niya ang  internationally-acclaimed Filipina actress na si Dolly De Leon sa kanyang bagong pelikula.

Sa "New Movie Alert" announcement kahapon ng ABS-CBN Film Productions, isa sa dalawang aabangang proyekto sa big screen ng tinaguriang Asia's Superstar ay ang  "A Very Good Girl" na mapapanood ngayong taon, sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema.

Kwento ni Kathryn, nahirapan siyang pumili ng gagawing pelikula noong araw na nag-pitch ang ABS-CBN dahil sa dami umano ng pagpipilian at lahat ay magaganda para sa aktres. "So tinanong nila ko, 'ano yung feeling mong naramdaman mo sa mga pinitch', and then ito talaga yung nasa utak ko. But gusto ko rin marinig kasi yung opinyon [nila]. Syempre iba rin marinig ang opinyon [nila] kasi nakita ako ng mga 'to, tumanda ako literal sa harap nila. So they know what's best for me."

Halos apat na taon na mula nang huling bumida sa big screen ang aktres sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na may hawak ngayon ng record na Highest Grossing Filipino Film of All Time.
"Yung unang tanong ko talaga agad, sino yung perfect character na magpoportray nitong kung ano man yung role niya. And they answer, Ms. Dolly de Leon. Sabi ko talaga, kaya ba sa schedule niya or will she agree to do the project. Lahat kami nag fingers-crossed na sana maayos.

"Just yesterday nung zoom sinabi ko, "oh! So confirmed na si Ms. Dolly de Leon?" Then sabi nila nag-yes na raw si Ms. Dolly. So sobrang wow, what an honor. And for sure marami akong matututunan sa kanya. I can't wait to meet her again.

"Kasi sinabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger before pa but that was very short lang. Now, I am looking forward na mas makatrabaho siya nang matagal at mas makilala siya. What a great honor na gumawa at nabigyan niya ako ng oras," salaysay ni Kathryn. 

Ayon sa creative manager na si Carmi Raymundo, excited din umano ang award-winning actress na si Dolly na makatrabaho si Kathryn. "Nung pini-pitch namin sa kanya, sabi niya, 'Sino 'yung makakasama doon sa pelikula?' When we said Kathryn Bernardo, immediately nag-light up si Ms. Dolly. I swear, promise, Kath. Kasi sabi niya 'I don't know if she remembers but we worked together when she was very little'. 
"Tapos sabi niya, noon pa lang nakitaan ko she's very professional, she's very humble. ...That's why she's very excited to work with her again. And I have to thank Ms. Dolly because she's been very collaborative, she's been sending her notes, she's guiding us, napaka-collaborative niya sa whole process," saad ni Carmi.

Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ng aktres ang director ng 2022 hit film na "An Inconvenient Love" na si Petersen Vargas.

"I feel like he is the perfect director to guide me in this movie. So I am really excited na makatrabaho siya for the first time," ani ni Kath na siyang personal na pumili sa direktor.

"Hindi ako nakatulog masyado kasi na-excite ako, kinakabahan ako kasi big leap 'to for me eh. And ewan ko, siguro naging very supportive din kasi lahat personally. Lahat dito sa ABS-CBN. So I know na I have their support and I personally asked for this na after 2 Good 2 Be True, I wanna do something - genre na hindi ko pa nagagawa before; dark comedy. I love watching dark comedy series or movie but then yung gagawin ko 'yon, for sure it will be challenging but I'm accepting the challenge," wika ni Kathryn.