"A new blessing": Donny Pangilinan to do a movie with TV5's Cignal Entertainment and MediaWorks

"A new blessing": Donny Pangilinan to do a movie with TV5's Cignal Entertainment and MediaWorks

"A new blessing": Donny Pangilinan to do a movie with TV5's Cignal Entertainment and MediaWorks
📷: Cignal Entertainment 

Isang bagong blessing na naman ang dumaan sa Kapamilya actor at other half ng Kapamilya loveteam na DonBelle na si Donny Pangilinan. 

Ngayong araw, March 27 ay pumirma ng kontrata si Pangilinan kasama ang kanyang ina, ang aktres na si Maricel Laxa-Pangilinan at ama nitong si Anthony Pangilinan sa Cignal Entertainment ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

Inaasahang gagawa si Donny ng pelikula sa ilalim ng Cignal Entertainment at MediaWorks na may working title na "GG" kasama ang ina nitong si Maricel, at idi-direk ni Prime Cruz.

Una nang gumawa ng pelikula si Donny sa ilalim ng Cignal Entertainment sa pelikulang "Love is Color Blind" kasama ang ka-loveteam nito na si Belle Mariano.

Ang Love is Color Blind ay co-produced movie ng Cignal, Smart at ABS-CBN Film Productions na naging highest-grossing Filipino Film ng 2021.

Sa kabilang banda, inaasahang gagawin ni Donny ang unang teleserye nila ni Mariano na "Can't Buy Me Love" mula sa ABS-CBN Entertainment at Star Creatives, na inaasahang ipapalabas ngayong taon sa Primetime Bida at eere sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5.