Xander Ford ibinunyag na binayaran siya para siraan si Kathryn Bernardo

Xander Ford ibinunyag na binayaran siya para siraan si Kathryn Bernardo

Xander Ford ibinunyag na binayaran siya para siraan si Kathryn Bernardo
- Ibinahagi ng social media influencer na si Xander Ford ang patungkol sa isyu niya kay Kathryn Bernardo

- Matatandaang binash kasi nito noong taong 2017 si Kathryn Bernardo

- Ipinaliwanag nitong bayad siya for content kaya niya nasabi ang mga bagay na iyon

Sa isa sa mga latest Showbiz Vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam nito ang social media influencer na si Xander Ford.

Dito ay napagkuwentuhan ng dalawa ang kinakaharap na buhay ni Xander Ford.

Sa isang bahagi ng panayam ay naibahagi ni Xander Ford ang patungkol sa mga nasabi niya noon laban kay Kathryn Bernardo.

Sa isang video kasi noon ay mapapanood si Xander Ford kasama ang ilang mga kaibigan niya kung saan sinabi niyang 'sakang' at hindi naman maganda ang aktres, dito ay inamin niyang bayad siya para gawin o sabihin iyon.

“Actually du’n sa content na ‘yun, labag po sa kalooban ko ‘yun. Sabihin na natin na content, pang-content lang talaga, bayad ako,” sabi nito.

“Actually po, nanghingi po ako ng sorry sa mga fans. Pero ‘yung isang pangarap ko po talaga na makaharap si Ate Kathryn ng personal, na makapaghingi ako ng sorry,” dagdag pa niya.

Panoorin ang interview dito: