Ion Perez naging emosyonal sa kaarawan, may wish para kay Vhong Navarro

Ion Perez naging emosyonal sa kaarawan, may wish para kay Vhong Navarro

Ion Perez naging emosyonal sa kaarawan, may wish para kay Vhong Navarro
- Nitong nagdaang sabado lamang ay ginunita ni Ion Perez ang kaniyang kaarawan

- Naging emosyonal ito matapos na ibinunyag ang kaniyang kahilingan

- Inialay niya ang selebrasyon para sa kaibigang si Vhong Navarro na kasalukuyang nasa kulungan

Nitong Sabado lamang ay nag celebrate ng kaniyang kaarawan ang mister ni Vice Ganda na si Ion Perez sa It's Showtime.

Nang kausapin siya ng mga co-host ay tinanong siya kung ang wish niya ngayong kaarawan niya ay hindi niya napigilang maging emosyonal.

Nagbigay sya ng wish para sa kaniyang kapatid na babae, at saka sa malapit na kaibigan at co-host na ring si Vhong Navarro.

"Ang ano ko lang naman, wish ko dahil, may dalawang tao kasing malapit sa akin na may pinagdadaanan sila."

"Unang-una ay iyong si Brad Vhong, kasi tol, kapit ka lang. kasi dumating din ako sa sitwasyon na ganyan na feeling mo tinalikuran ka ng mga tao," pagbabahagi niya.

Sinabihan niya ang kaibigang si Vhong na kumapit lamang at huwag mawawalan ng pag-asa.

"Wag ka lang bumitaw tol, kapit ka lang. kumapit ka lang sa paniniwala na may mabubuti pa ring tao tol."

Matatandaang nitong nakaraang nga linggo lamang ng inilipat sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center si Vhong Navarro kaugnay pa rin sa isinampang kaso sa kaniya ni Deniece Cornejo.

Samantala hiniling din niya ang agarang pag-galing ng kapatid nito dahil sa iniindang karamdaman.