DonBelle susunod na KathNiel na raw?: "Sumusunod na kaya ang DonBelle sa yapak ng KathNiel..."

DonBelle susunod na KathNiel na raw?: "Sumusunod na kaya ang DonBelle sa yapak ng KathNiel..."

DonBelle susunod na KathNiel na raw?: "Sumusunod na kaya ang DonBelle sa yapak ng KathNiel..."


 - Lumelevel na ngayon ang Kapamilya loveteam na DonBelle sa KathNiel pagdating umano sa dami ng fans, sabi ni Ogie Diaz

- Lahat daw kasi ng mga mall shows ng dalawa ay dinudumog ng fans gaya nalang ng KathNiel sa mga mall shows nito

- Showing na ngayon ang comeback movie ng Star Cinema tampok ang DonBelle sa 'An Inconvenient Love' 

Trending ang tandem nina Donny Pangilinan at Belle Mariano matapos silang magpakilig sa unang araw ng showing ng kanilang pelikulang 'An Inconvenient Love' ng Star Cinema.

Ito ang nagsisilbing comeback movie ng ABS-CBN sa mga sinehan matapos itong magpahinga ng mahigit dalawang taon dahil na rin sa mga restrictions noong kasagsagan ng pandemya.

Malaki naman 'di umano ang kinita ng pelikula ayon sa source ng isang entertainment website. Hindi na ito maikakaila dahil kitang-kita namang dinudumog ang DonBelle kahit saan sila magpunta. 

Dahil nga ang sigla ng mga fans ng DonBelle, sila ang naging paksa sa bagong vlog nina Ogie Diaz sa YouTube. Malakas daw kasi ang loveteam pagdating sa mga fans, lalo na sa mga mall shows.

“Ang DonBelle na sa umpisa pa lamang ay kinagigiliwan na at napakarami na nilang fans at kahit saang mall shows ganapin ang kanilang presence ay lahat dinudumog, mass based kasi sila. Sumusunod na kaya ang DonBelle sa yapak ng KathNiel in terms of palakasan pagdating sa mall shows?” chika ni Ogie.

Pinakita rin sa vlog ang isang event ng KathNiel kung saan talagang dinumog sila ng mga tao. Makikita naman na puno ang ilang palapag ng mall para lang makita ang mga ito.

“Nakakaloka ‘yung sa Ayala Mall sa Manila (dahil) limang floors ‘yung inokopa ng fans para mapanood lamang sila, di ba?

“At itong DonBelle hindi naiiba at nalalayo kahit saan sila magpunta napakalakas nila sa mga tao. May advance screening sila sa Dubai, meron na rin sa Abu Dhabi at iba pang panig ng Middle East. Ganyan kamahal ng mga tao ang DonBelle,” kuwento pa ni Ogie.

Pahirit namang nagbiro ang co-host ni Ogie na si Tita Jegs sa mga KathNiel fans, “Naku, I’m sure marami na namang KathNiel fans ang mai-insecure diyan. Dapat isip-isip din ng bagong stratrgy para ma-sustain ang fame kasi kung hindi matatabunan sila ng DonBelle.”

“Hello KathNiel fans (kumakaway). Ito ‘yung Gcash ko (sabay tawa),” sambit ni Jegs dahil iyan daw ang paraan para tigilan na niya ang KathNiel.

Mapapanood ang 'An Inconvenient Love' ng DonBelle sa 175 cinemas nationwide.