Gerald, may sagot sa tsismis na nabuntis niya ang Kapuso actress na si Kylie Padilla

Gerald, may sagot sa tsismis na nabuntis niya ang Kapuso actress na si Kylie Padilla

Gerald, may sagot sa tsismis na nabuntis niya ang Kapuso actress na si Kylie Padilla

Sinagot ni Gerald Anderson ang mga tsismis tungkol sa umano'y pagdadalantao ni Kylie Padilla, ang kanyang co-star sa upcoming film na "Unravel." 

Ayon sa aktor, hintayin na lamang ng mga nagpapakalat at naniniwala sa malisyosong haka-haka ang siyam na buwan upang makumpirma kung ito ay totoo.

Nagsalita si Gerald tungkol sa umaalingawngaw na tsismis ng pagbubuntis nang ito ay makausap ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz, na mapapanood sa YouTube channel ng huli.

Biniro pa ni Ogie ang aktor dahil tila napaaga umano ang 'publicity' para sa kanilang pelikula kesa sa pagpapalabas nito sa mga sinehan.

“Ikaw yata gumawa ng publicity no’n e,” natatawang saad ni Gerald. “Sana nga pinalabas na agad ‘yung pelikula para sumabay do’n e. Hintayin natin nine months from now.”

Ibinunyag din ng aktor na may isa na naman siyang upcoming movie na kukunan sa Russia. Biniro niyang hindi alam ni Ogie ang nasabing proyekto dahil wala itong nabanggit na bagong usap-usapan tungkol sa pagbubuntis.

Nauna nang pinabulaanan ni Kylie ang nasabing tsismis at idiniin na propesyunal lang ang relasyon nila ng aktor. Inamin din niya na nababahala siya sa maling impormasyon na dulot ng mga tsismis.

Sa gitna naman ng mga kumakalat na haka-haka tungkol sa umano'y hiwalayan, kamakailan ay nakipag-bonding si Gerald sa kanyang girlfriend na si Julia Barretto kasama ang pamilya ng aktres.