Barbie, may sagot sa netizeng nagtanong kung 'fubus' lang sila ni JM de Guzman: "ako, siyempre..."

Barbie, may sagot sa netizeng nagtanong kung 'fubus' lang sila ni JM de Guzman: "ako, siyempre..."

Barbie, may sagot sa netizeng nagtanong kung 'fubus' lang sila ni JM de Guzman: "ako, siyempre..."


 - Sinagot ni Barbie Imperial sa kanyang recent vlog kung mag-'fubus' lang sila ni JM de Guzman

- Sinabi nitong na-inlove talaga siya kay JM at hindi 'fubu' lang ang turing niya sa aktor

- Matatandaang nagkasama ang dalawa sa Kapamilya teleserye na 'Araw Gabi' noong 2018

Diniretso na ng aktres na si Barbie Imperial ang tanong sa kanya ng isang netizen kung mag-'fubus' lang sila ng aktor na si JM de Guzman.

Ayon sa kanyang YouTube vlog, talagang minahal niya talaga si JM at sinabing lagi naman daw niya itong binabanggit sa mga recent vlogs niya.

“Uy grabe, hindi naman fubu. May emotions naman ‘yun. Saka wala namang nangyari sa… joke lang,” natatawang sambit ng aktres.

"Hindi. No. It wasn’t just fubu. Ako, siyempre, ni-love ko talaga si Em...Di ba nga, sabi ko sa recent vlog ko, kahit hindi ex, minahal pa rin talaga," pahayag ni Barbie.

Matatandaang noong 2018, nagtambal ang dalawa para sa Kapamilya teleserye na 'Araw Gabi' kasama si RK Bagatsing at Jane Oineza.

Pagkatapos ngang magwakas ng kanilang serye, umugong naman ang balitang may namamagitan na sa kanila ni JM.

Ngunit hindi naman daw natuloy ang kanilang relasyon dahil noong mga panahong iyon, parehas silang 'wasak'.