Roxanne Barcelo is pregnant with second child

Roxanne Barcelo is pregnant with second child

Roxanne Barcelo is pregnant with second child

Ibinahagi ng singer-actress na si Roxanne barcelo ang isang masayang balita tungkol sa kanyang pagdadalantao sa kanyang latest vlog.

"We had such a wonderful full day out here in Danshui (Taiwan)," kwento ni Roxanne sa dulo ng kanyang pinakabagong YouTube vlog na may pamagat na Family Update.

"I was just so surprised how beautiful this day was. The sky is so unreal. It has a blue, purple, and pink hue. It's so gorgeus."

"I think it's the perfect backdrop for us to tell you guys that we're having our second baby boy in a few months," masayang balita ni Roxanne.

Ipinanganak ni Roxanne ang kanyang panganay na si Cinco noong Hunyo 2021. Noong Nobyembre naman ay ipinagdiwang nila ng kanyang asawa ang kanilang ikalawang anibersaryo.

Agosto ng ibalita ng singer-actress ang plano nitong sa Taiwan na manirahan kasama ang kanyang pamilya.

“We will see how the ganaps are. Excited na ako actually kasi masarap ang food. Maganda ang kabuuan ng Taiwan. From a beautiful country Philippines, going to a beautiful country Taiwan, I’m excited for a new chapter sa totoo lang. For a change. Hindi pa nag-si-sink in,” wika niya. 

“We are opening a new chapter of our lives. Bahala na si Lord sa amin. Isang sikretong malupit na may pa-clue, baka may pakanta ako doon. We’ll see. Sana matuloy. Sana matupad ang ganap ko doon.”

Nitong Setyembre ay ibinahagi niya sa kanyang followers na sa wakas ay nakakuha na ng apartment sa Taiwan ang kanyang pamilya.

Sa pamamagitan ng isang vlog ay nilibot rin niya ang kanyang mga tagasuporta sa kanyang bakanteng apartment na may tatlong silid-tulugan, dalawang banyo, isang opisina, kusina, labahan, balkonahe at mga espasyo para sa isang silid-kainan at sala.

“Sobrang sarap pala ng feeling na medyo mabubuo na ng slight 'yung mga kagamitan namin. Sobrang nakakakaba pala kapag alam mo na lahat ng gamit niyo, in transit,” aniya.