Cristy Fermin, may pahayag sa 'OA na kayabangan' ni Markus Paterson: "ang tanong..."

Cristy Fermin, may pahayag sa 'OA na kayabangan' ni Markus Paterson: "ang tanong..."

Cristy Fermin, may pahayag sa 'OA na kayabangan' ni Markus Paterson: "ang tanong..."


 - Nayabangan ang showbiz columnist na si Cristy Fermin kay Markus Paterson, ang ama ng anak ni Janella Salvador

- May pahayag din ito sa kanyang 'never date a celebrity' statement at sinabi kung gaano ka-'OA' si Markus

- May palagay din ito na napuno na si Janella kay Markus sa mga verbal abuse nito sa aktres at idinadamay pa ang pamilya nito

May pahayag ang kilalang manunulat na si Cristy Fermin sa aktor na si Markus Paterson sa viral 'never date a celebrity' video nito.

Sa kanyang vlog na uploaded sa YouTube, tinira niya ang kayabangan ni Markus na tila patama sa kanyang ex na si Janella Salvador.

"At saka ang tanong nga namin, gusto rin ba siyang maka-date ng mga artista. OA naman sa kayabangan na ganyan," ani Cristy.

Dagdag pa niya, "'di naman lahat e atat na atat siyang maka-date.

"Kaya nga siguro si Janella ay napuno na. 'Yung verbal abuse, 'yung sampal kasi pagkatapos ng ilang araw masakit talaga, napakasakit talaga pero gagaling. 'Pero 'yung verbal abuse, yung kung ano-ano ang mga pinagsasabi laban sa iyo na idinamay pa pati ang pamilya mo, ay teka muna. Napakahirap nun" hirit pa nito.