It's Showtime, trending; Madlang people hindi natuwa sa 'insensitive joke' ng Miss Q and A contestant

It's Showtime, trending; Madlang people hindi natuwa sa 'insensitive joke' ng Miss Q and A contestant

It's Showtime, trending; Madlang people hindi natuwa sa 'insensitive joke' ng Miss Q and A contestant


 - Trending ang It's Showtime dahil sa masayang kulitan ng mga host habang ipinapakilala ang mga kandidatang makikipaglaban sa segment na 'Miss Q and A'

- Habang masayang-masaya ang mga madlang people sa studio, bigla nalang tumahimik ang mga ito kabilang na ang mga host sa insensitive joke ng contestant number 3

- Humingi naman ng paumanhin si Vice Ganda sa mga na-offend sa pagpapakilala ng kandidata na tinira ang mga 'ngo-ngo' at 'monggoloid'

Buhay na buhay ang buong It's Showtime family sa pakikipagkulitan nila sa isa't-isa lalo na ng 'Miss Q and A' hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro.

Habang nagsisimula na ang patimpalak para sa mga beki, umabot na magmula Facebook hanggang Twitter ang naging pagpapakilala ni Dimple Solomon Ruiz, ang contestant number 3, sa mga madlang people.

Trending rin ito online at umabot na rin sa mga groups at entertainment pages. Hindi kasi ikinatuwa ng mga netizens ang intro ni Dimple kaya naman tila nawalan ng imik ang mga host sa studio.

Isinama niya kasi sa kanyang pabirong intro ang mga ngo-ngo, monggoloid, at pati na rin ang mga ter*rista, na siyang ikinabahala ng mga manonood.

Biglang natahimik rin ang mga host at live studio audience na maririnig ang pagkadismaya ng mga ito. 

Sa kabila nito, humingi naman ng patawad si Vice Ganda sa mga na-offend sa pabirong pagpapakilala ni contestant number 3.