Barbie, may banat sa basher na may tanong sa kanyang b**bs at ilong: "grabe!"

Barbie, may banat sa basher na may tanong sa kanyang b**bs at ilong: "grabe!"

Barbie, may banat sa basher na may tanong sa kanyang b**bs at ilong: "grabe!"


 -May sagot ang aktres na si Barbie Imperial sa kanyang mga bashers na paulit-ulit tinatanong kung nagparetoke siya ng b**bs at ilong

- Sa kanyang recent vlog niya binasa ang mga 'savage questions' na kanyang 'di inurungang sagutin kabilang na kung nagparetoke nga ba ito

- Sinabi rin nitong wala namang masama sa mga nagpaparetoke dahil gusto lang naman nilang maging confident sa sarili

Hindi na inilagan ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang mga tanong patungkol sa kanyang itsura, partikular na kung nagparetoke siya ng ilong at dibdib.

Sa recent vlog niya sa YouTube, talagang hinarap na ng aktres ang mga 'savage questions' na natanggap niya at saka sinagot ito isa-isa.

Isang basher naman ang nagtanong sa kanya,“Nagparetoke ka ba? (Padagdag ng b**bs or nagpaayos ng ilong?)”

Bago sagutin ni Barbie ang tanong, sinabi niya munag wala naman siyang masamang intensiyon sa mga nagpaparetoke, “Okay first of all, I have nothing against du’n sa mga nagpapa-enhance ng ng mga katawan nila.

“Kasi siyempre, gusto nilang maging mas confident, eh. Wala namang masama du’n and hindi ninyo naman pera so ‘wag ninyo pakialaman ‘yung mga buhay ng gustong magpa-enhance,” paliwanag nito.

Itinanggi naman ni Barbie ang mga paratang na nagparetoke siya.

“But for me, ‘yung ilong ko, hindi po ako nagpaayos ng ilong, totoo po ‘yan. Yung b**bs ko naman, hindi ko rin pinaayos ‘to.

“Kasi kung pinaayos ko ‘to, sana pinapantay ko. Kasi ‘yung mga comments about me, hindi daw pantay ‘yung b**s ko, ganito, ganyan,” pahayag ng aktres.

Dagdag niya,“Perfect mo, grabe! Patingin nu’ng b**bs mo. Minsan nakakaano pa kasi minsan ‘yung mga lalaki pa mismo yung nagko-comment na hindi raw pantay ‘yung b**bs ko."