'Dyosa' Anne Curtis, nagandahan kay Jane bilang Darna: "Go Darna!!"

'Dyosa' Anne Curtis, nagandahan kay Jane bilang Darna: "Go Darna!!"

'Dyosa' Anne Curtis, nagandahan kay Jane bilang Darna: "Go Darna!!"


 - Kabilang sa mga artistang humanga kay Jane de Leon ang aktres na si Anne Curtis nang mag-transform ito bilang Darna

- Napa-comment tuloy si Anne sa post ni Jane kung saan makikitang naka-pose siya rito habang suot-suot ang iconic modernized costume

- Trending moment din sa social media ang 'pagsubo' ni Narda, Jane de Leon, dahil sa wakas ay nireveal na nga ng ABS-CBN ang tinago nilang costume

Maski ang tinaguriang 'dyosa' na si Anne Curtis ay napahanga rin sa ganda ng pinakabagong Darna, si Jane de Leon, na kamakailan lang ay nagtransform na bilang si Darna.

Noong Friday ng gabi, pagkatapos pakawalan ng JRB Creative Production ang trending na transformation scene sa serye, ay agad-agad ding nilabas ang official poster na talagang pinagusapan ng milyung-milyong Pilipino.

Maliban kasi sa mas pinagandang istorya, inupdate rin ng ABS-CBN ang iconic costume ng Pinay heroine ngunit hindi naman nalalayo sa costume nito sa comics at sa mga nagdaang Darna.

Mas mukha na rin itong 'warrior' dahil tila metallic na ang bagong itsura ng costume niya na may suot pa ring golden winged medallion.

Sabi pa ng iba, maliban sa isa, nag-eevolve 'di umano ang costume ni Jane kaya naman mas marami pang aabangan sa Darna gabi-gabi pagdating muli sa costume nito.

Kaya naman pati ang Kapamilya star na si Anne Curtis ay nagandahan din sa poster ni Jane. Puring-puri rin niya ang 'look' ng aktres.

“You look so good Jane!!! Go Darna!!” comment ni Anne na tinugunan ni Jane ng, “Thank you Ate Anne! My Dyosaaa!”

Samantala, ipinasilip na rin ng production unit sa likod ng Darna ang mga aabangang kalaban sa susunod na mga linggo.

Mapapanood ang 'Darna' tuwing 8PM gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, A2Z, TV5, Jeepney TV, Cinemo, iWantTFC, at TFC Worldwide.