Juliana Parizcova, hindi alam ang satire?; Kinuyog ng netizens: "2mb lang utak..."

Juliana Parizcova, hindi alam ang satire?; Kinuyog ng netizens: "2mb lang utak..."

Juliana Parizcova, hindi alam ang satire?; Kinuyog ng netizens: "2mb lang utak..."


 - Hindi pinakawalan ng mga netizens si Juliana Parizcova Segovia matapos nitong mag-viral na naman dahil sa kanyang Facebook post

- Hindi kasi alam ni Juliana ang salitang "satire" kaya naman tila umalma ito sa satire post na kanyang nakita patungkol sa pelikulang 'Katips'

- Niresbakan naman siya ng mga netizens sa comments section at sinabing hindi ginagagamit ni Juliana ang kanyang "2mb" na utak

Kinuyog ng netizens ang Facebook post ni Juliana Parizcova Segovia matapos nitong maniwala sa isang satire post patungkol sa 'Katips', ang pelikulang kalaban ng 'Maid in Malacanang' ni Daryl Yap.

Nirepost ni Juliana sa kanyang account ang sinasabing satire post na galing sa "Philippine Daily New Society", isang pahina na naglalaman ng mga satire posts tungkol sa politika.

Natawa at tila naniwala si Juliana sa nakita niyang ito kahit na may nakalagay namang "satire only" sa pubmat ng nasabing page. 

"NEXT NITO MALL TO MALL NA! ALAM KO NA ENDING NITO—TALO. HAHAHAHA," caption ni Juliana sa kanyang reposted content.

Hindi naman naging maganda ang reaksyon ng mga mambabasa dahil sa halip na matawa rin, binatikos siya ng mga ito dahil sa 'di umano'y kakulangan sa utak na ginagamit ng kontrobersyal na aktor.

Maliban sa comment, napa-post din sa kanyang account ang content creator na si Renz Saavedra dahil sa 'kashungahan' na ipinakita ni Juliana.