Vanessa Raval, binantaan si Aljur: "Susunugin ko bahay mo..."

Vanessa Raval, binantaan si Aljur: "Susunugin ko bahay mo..."

Vanessa Raval, binantaan si Aljur: "Susunugin ko bahay mo..."


 - Nag-guest sa programa ng "Abante Radyo Tabloidista" ang kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval kahapon, July 28

- May pagbabanta ito sa rumored boyfriend ng kanyang kapatid, si Aljur Abrenica, kung sakaling hindi gampanan ang responsibilidad sa kanyang ate

- Tinutukan naman ng mga netizens ang isyu niya at ng tinutukoy niyang 'panget' at 'babaero' na nagpupumilit na magkita sila

Bentang-benta sa mga netizens ang bagong isyung pumutok kamakailan nang dahil sa pagbubuking 'di umano ni Vanessa Raval, kapatid ni AJ Raval, sa rapper na si Skusta Clee.

Ito ay dahil sa pangungulit umano ni Skusta kay Vanessa na magkita sila upang makapag-'unwind'. Tinukoy naman ni Vanessa ang taong ito bilang "pangit" na siya namang itinuro ng netizens kay Skusta Clee.

Ngunit todo tanggi naman si Skusta sa akusasyong ito ng mga netizens at maging si Vanessa ay pinabulaanan ding si Skusta ang tinutukoy niya.

Sa kabila ng mainit na isyung ito, nag-guest naman si Vanessa sa programang "Walang Basagan" ng Abante Radyo Tabloidista upang pag-usapan ang isyung itong nakapalibot sa social media.

Isa pa sa nabanggit niya sa panayam ay ang rumored boyfriend ni AJ, na si Aljur Abrenica, na binantaan niyang susunugin niya ang bahay kung sakaling 'di nito gampanan ang responsibilidad nito sa kanyang ate.

'Okay lang' naman daw kasi siya kung sakaling magsama na sina AJ at Aljur ngunit kailangan nitong panindigan at maging mabuti itong ama kung mabuntis nga niya si AJ.

“Pupuntahan ko siya, susunugin ko ang bahay niya," ang banta niya kay Aljur. 
@abantenews @vanessaaraval nagbanta kay Aljur: Panindigan mo 'yung bata! #AbanteNews #vanessa #vanessaraval #skustaclee #daryl #NewsPH ♬ original sound - AbanteNews