Vice Ganda, rumampa, nasubsob, lumabas sa TV screen? "Nasubsob ako!"

Vice Ganda, rumampa, nasubsob, lumabas sa TV screen? "Nasubsob ako!"

Vice Ganda, rumampa, nasubsob, lumabas sa TV screen? "Nasubsob ako!"
- Tawa nang tawa sina Vice Ganda, Vhong, at Jhong nang 'di sinasadyang masubsob si Vice malapit sa camera

- Rumampa kasi ito upang ipakita sa madlang people kung paano ang tamang paglakad ngunit nadulas siya sa sahig

- Tinulungan naman siya nina Jhong ngunit 'di pa rin mapigilang tumawa dahil baka lumabas daw ito sa TV screen

Viral ang eksena nina Vice Ganda, Vhong, at Jhong Hilario habang nagho-host sila sa segment nilang 'Sexy Babe' ng 'It's Showtime' ngayong tanghali, June 27.

Pose kung pose ang unkabogable superstar upang iwagayway sa madlang people kung paano ang tamang pagrampa katulad ng mga ginagawa ng mga contestant ng Sexy Babe.

Patok na patok naman ang ginawang ito ni Vice sa mga netizens dahil hindi inaasahang ang pagrampa niya ay mauuwi sa pagkasubsob na siyang ginawang katatawanan ng mga host.

Baka nga raw lumabas pa siya sa mga TV screens dahil malapit na malapit ang kanyang pagkahulog sa camera. Nagbiro rin itong nakita niya ang bahay ng madlang people nang masubsob.